Sa susunod na mga araw...baka gigising na ako sa ibang lugar. Malamang hindi na muna uuwi every weekends sa bahay...at magiging stranger na uli si buzzing flowerpecker.
Kelangan ko sigurong ilista kung ano ang mga gusto ko sa susunod na ten months. Dapat, bukod sa project, may personal goals ako. Kelangan kong remedyohan ang napipintong pagiging homesick ko. at kelangan kong ipraktis yung stranger survival skills ko.
Dati...inis na inis ako sa palipat-lipat na buhay ng pamilya ko. Galit na galit ako sa pagiging school hopper ko...akala ko talaga...ang pinaka-wish ko sa buhay ko ay magstay sa isang lugar at magkaroon ng adult equivalent ng "childhood friends."
pero...hehe...hahanap-hanapin mo pa rin pala yung "stranger feeling."
mag-uumpisa na akong mag-impake. pero bago ako umalis...pitong papers muna ang dapat kong i-submit. at syempre...dapat buhay pa ako matapos nun.

5 buzzing nila:
nako ganun ba BF? hmm... sa tingin ko mahirap pa din yung palipat-lipat. hinahanap-hanap ba talaga yun?
adventurer ka, kung ganon. naging magandang training rin sa iyo ang palagi nyong paglipat lipat noon.
o pwedeng nasanay ka na rin, gaya ng sabi mong hinahanap-hanap mo rin.
anong papeles yan? lalabas ka ba ng bansa? good luck sa lahat ng plano!
prinsesa musang--> ganun nga siguro yun. Hahanapin ng sistema mo yung feeling ng bagong environment..hehe. 2 years ago yung last lipat-bahay ko. Kaya...nakakamiss din.
Utakmunggo--> naku hindi ako lalabas ng bansa. report yun na dapat i-pass sa kinaukulan. hehe.
ok lang yan buhay na buhay ka pagkatapos nyan...ako hobby ko na ang palipat-lipat simula bata pa lang...wahaha
kamotenista--> masayang hobby yung palipat-lipat ng bahay. hehe.
buhay pa nga ako! Sa wakas..tapos na ang pitong mahihiwagang papel..hehehe.
yey!
Post a Comment