Thursday, October 2, 2008

Bata-batuta (sumpay muta)



Waah...after 48 years masasagot ko na ang tag ni ron-turon. Hinalukay ko pa ang mga childhood pics ko sa friendster.

At dahil malungkot mag-isa, dinamay ko rito yung mga kapatid ko. hehe. Walang kokontra...pero talagang cute kami in our own right...hahaha. Talagang do-re-mi lang naman kaming magkakapatid. Hindi masyadong epektib ang family planning ng mga magulang ko eh! kami na nga yung power rangers...si kimberly, si trini, si zack at si jason. hehe...si billy...yung pinsan ko...di sumali sa picturan. hehe.

Takaw-dagat na nga pala talaga ako simula pagkabata. Yung nanay ko nga, kulang na lang ipagsponsor niya ako ng glutathione. Masyado kasi syang affected pag naririnig niyang malapit ako sa dagat, ilog o talon. Talagang ina-araw-araw akong paalalahanan na bawas-bawasan na ang pagiging siokoy ko at di na niya ako makita sa gabi. Buti pa nung childhood days...di ako inaawat ng nanay ko sa pagligo ng dagat. Yun siguro ang best thing sa childhood...kahit anong hitsura mo cute ka pa rin. May uhog ka na't lahat...pinapatawad ka pa rin...kahit amoy elementary school ka na...cool ka pa rin.

sarap maging bata! Masasabi kong buong-buo ang childhood ko. Talagang malaki ang pasasalamat ko sa parents ko...sa kabila nang hirap nang buhay...pinagsikapan nilang lumaki kami nang maayos! 

at dahil busy ako...wala akong ita-tag. hahaha.

12 buzzing nila:

kirksydney said...

Pareho kayo ni UM, nagtatampisaw sa dagat. Ang kaibahan lang may mga tropa kang kasama, haha.

RonTuron said...

hindi mo na makita
yung baby pics mo no?
yung tipong ndi ka
pa makalakad?
yung tipong
gumagapang pa lang?
hehehehe

tsk tsk.. ganun
talaga kapag mejo
nagkaka-edad na..
mahirap na hanapin
yung baby pics! hehehe

jokee!

buzzing flowerpecker said...

kirksydney--> oo nga. nakita ko rin yung ke mungs. Full force talaga kami ng mga kapatid ko basta dagat na ang pag-uusapan.

at ronturon--> parang pinamukha mo naman sa akin ang katandaan ko! hehe.

naiwan ko lang sa mindanao yung baby pics ko eh. Gustuhin ko mang dalhin...sang baul yun. mahal ang excess baggage sa eroplano. haha.

kamotenista said...

wahaha ako na tag rin sa pag post ng baby picture...san kaya kong baul makakanap nito?

bf may kamukha ka nakalimutan ko lang ang pangalan..yung isang child actress na madaldal...hehehe

buzzing flowerpecker said...

kamotenista--> hala. may kamukha pala akong child actress? hehehe.

sayang di na ako child ngayon. Kung nagkataon, papalitan ko sya sa trono niya. hahaha!

Axel said...

Oo nga noh, bakit nga ganun kapag bata ka pa cute ka kahit anu pa itsura mo. Pero kapag lumaki na tayo ta-cute na. hehehe.

Pero ako cute pa rin. lolz

JoShMaRie said...

masarap talaga maging bata. ;) happy naman ako ngayon, but childhood is actually the happiest stage of my life. :) the best talaga... masarap maging carefree. ;)

Axel said...

Sana pwedeng bumalik sa pagkabata noh?? hehehe...

UtakMunggo said...

bonggang bongga ang ayos ng hair ng lola! makiki-bertdey ka siguro nito, ano. o baka bertdey mo yan?

siokoy ka rin pala noon (til now?), ako rin siokoy dati kaya pati palangganang malaki pinapatos ko. hehe

walang kasing sarap ang buhay ng bata. kung dati eh you can't wait to grow up, ngayon nama'y we can't stand being grownups.

eloiski said...

nakakatuwa naman ang tag na ito!
hahaha!
bat walang nagtag sa akin nito?

amp! pero okey lang besi besihan din ako!

ang cute nyo!

buzzing flowerpecker said...

axel--> mabuti naman at namaintain mo ang iyong cuteness! hahaha. Pero mas cute na tayo pag matanda...pag ala na ulit tayong ngipin hehehe.

joshmarie--> oo nga. yung da best pag bata...ang pagiging carefree!

mungs--> naks! muntik mo nang mahulaan...makiki-Christmas party ako niyan! hahaha!

eloiski--> Pwede ka namang mag-post kahit walang tag. hehehe. Go, post mo na rin yung cuteness mo! :P

Axel said...

Wahahaha, naku ibang cute na yun kapag wala ng ngipin...

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)