Hiniling ko na sa lahat nang tala na sana holiday ang Monday November 3. Sa kasamaang palad, hindi ako malakas sa mga bituin kaya’t dinedma na nga nang langit ang napaka dakila kong kahilingan.
At syempre, pag araw ng Lunes, napakasarap ma-late sa opisina. Napakasarap makitang may kumunot ang noo dahil sa buhok kong walang kasing buhol. Andito na ako ulit. Sa opisina. Sa love-hate relationship ko sa aircon, photocopier at printer. Isang araw akong makukulong ulit sa pisikal na kahon…at ang tanging alam ko lang sa pangyayari sa labas ay derived sa mga ingay na mula sa mga sasakyan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako at may world wide web…ang artipisyal na durungan ng mga bagot para “makita” ang mundo…”makilala” ang ibang tao…”mapakita” ang sarili sa mundo.
Magulo pa rin ang office space ko. Tinambakan na ng mga kung anu-anong naka-ring bind ng ibang tao. Kaya ang first task ko…i-clear ang aking space…at dapat walang unidentified objects sa pc desk. Sira ang power ranger mode ko.
Contrary sa tono ng post na ito, hindi naman mainit ang ulo ko. Talagang inaatake lang ako ng katamaran, ganun. At anything na hindi nangangailangan ng katamaran ay nagpapadala ng hindi kaaya-ayang chemical signal sa utak ko….nakakatamad maglinis nang hindi ko kalat!
May mga wala, nawala na, wala pa at mawawala pa sa ofis. Nabawasan tuloy ang mga ka-lunch at ka-chika ko. Ayun. Nakakalungkot lang at bawas na naman at mababawasan pa ang mga Twenty something sa opis.

haaay. Welcum back, BF sabi nung PC.

5 buzzing nila:
alam mo ginagawa ko dati kapag hindi ko kalat tapos nasa desk ko? hindi na ulit makikita ng nag-iwan ng mga gamit don ang mga thingalings nila. hehe.. may isa nga dun certificate of good moral character yung naiwan. hehe eh tamang pinadaan ko na sa shredder so kumuha siya ulit.
(madali lang namang mag-maangmaangan kapag tinanong ka kung nakita mo ba yung things nila..)
mungs-> hehehe. dyan pa naman ako mahina. sa pagmamaang-maangan. hahaha.
parang naka-automatic ang react mode ko eh. hehehe.
tama si mommy monks dun shredder lang katapat ng lahat ng kalat...wahaha
welcome back!
ay oo nga!
dapat wala pasok noong nov. 3!
amp!
sarap talaga magbakasyon eh!
balik trabaho, balik aral!
kamotenista--> susubukan ko na nga siguro talaga yung paper shredder strategy...hehe.
wala pa ring nagke-claim ng mga unidentified things sa pc desk ko eh. hehe.
eloiski--> second sem na naman pala ano? hehe. mukhang hindi ka naman tinatamad sa pagpasok eh.
Post a Comment