"You should go out on a date."
Naku. Hindi yan advice ng nanay ko. Command nya iyan as in with the witch-look pa yan nang sinabi nya. Natatawa ako sa nanay ko. Sa araw-araw na lang na umuuwi ako sa bahay namin, parang may senate investigation kung meron na ba akong boyfriend. Aba, hindi naman ako ganun katanda para problemahin nila ang lablayp ko, ah. Twenty-two pa lang ako. Imposible bang maging single?
Kasi nga power ranger ako. Hindi ako pa-girl. Sabi pa nga ng ibang mga pinsan ko, baka daw lumiliko na ako ng landas. Kung dati ay ultra-defensive ako, ngayon hindi na. I know better. Talagang wala. Static lang ang lablayp ko. Dati, masaya yung tatay ko at ang anak niya ay hindi mahilig mag nayt layp at lumabas. Wala syang problema, in short. Pero recently, tinutukso nya ako dun sa kababata ko na muli kong nakita last year. Medyo narealize na ata ng tatay ko na ayun...wala nga akong lablayp(s). Kaya tinutulungan nya ako ng konti. haha.
Yung mga pinsan ko...nagsisipagpakasal at nagsisipanganak na. Hindi ko sila lahat ma-imagine. Hirap na hirap nga akong alagaan ang sarili ko eh...mag-alaga pa kaya ng iba pa? Oh no. Kaya sa tuwing napag-uusapan ng mga kamag-anakan ko ang aking soon to be marriage...that is kung liligawan ko na ang aking groom at sasagutin nya naman ako...nananayo ang balahibo ko.
Paminsan-minsan, humihirit din ako ng "Bakit nagpapakasal ang mga tao? Wala na sa context ang Go to the world and multiply, sa panahon ngayon. Hindi naman madadala ang kasal sa langit ah!"
Hindi ko ma-gets kung sisimangot ang nanay ko o tatawa sa twing maririnig nya ang katwiran ko. hehe. Pero dahil masunurin akong anak...maybe I should really go out on a date...sinu-sino nga ba ang pwede kong yayain? hmm.
1) si superman. hindi pwede. Bukod sa monster ang tingin namin sa isa't isa...hindi ko kayang tumabi sa coƱong katulad nya. At isa pa, rejected pa rin ang friendship efforts ko. In short, nasa coldwar pa rin kami ngayon.
2) yung kababata ko. naman, mukhang mas pa-girl pa yun sa akin eh. Sa lahat nang ayaw ko, eh yung pinagmumukha akong lalaki. hehehe.
3) superfriends. Ang superfriends ko ay nasa iloilo, cebu, GenSan, Zamboanga. Yung ibang friends sa Davao, busy sa work, thesis and others. Kaya...not a chance na mayaya ko ang mga yun nang hindi dumadaan sa intensive scheduling.
4) lolas at pamangkin. hehe. Syempre hindi ako tatanggihan ng mga ito. hehe. Masayang kasama ang mga makukulit na bata at matampuhing matatanda. sabi nga nila, spend sometime with people over 70 and under six.
Kaya, kelangan ko na lang hintayin ang sweldo para magliwaliw kasama ng aking mga date. sasaya na ang nanay ko...pati pa mga lola at pamangkin ko. :p



4 buzzing nila:
wahaha!
hindi pinagmamadali ang pag-aasawa ate!
kung ako sayo magpayaman muna tayo!
bumili muna ng mga ari-arian.
at hayun bigla na lang magsisidatingan ang mga lalaking yan!
hahaha!
eloiski-->hahaha. mismo! yung nanay ko lang ang nasa panic mode.
hey, you're only 22. don't worry about it. seriously, darating din yang hinahanap mo.
i once heard a friend tell me this: in life, there are three Ms that you must fulfill, Master (God), Mission (Career), Mate (Lovelife. I order toget to the last one, you must first fulfill the demands of the first two. Kasi in all actuality, only when you've fulfilled the first two, will you be guided to the last one, which is your mate.
Okey. Haba na to. LOLs...
Goodluck w/ your search =)
angel na walang pakpak--> tually, parents ko lang yung masyadong concerned sa lablayp ko. hahaha. weird nga, eh.
mas interested ako dun sa God at Mission. Which is why...i chose to live my kind of life. :D kahit pwede namang ibang landas ang tunguhin ko.
thanks for dropping by. =)
Post a Comment