Christmas party, pictures, Rubik cube, mosaic, telephones, newspaper, anonymous faces, question, hint...yan ang mga laman ng panaginip ko kagabi...roughly 48 hours bago ang ika-dalawampu't tatlo kong kaarawan.
Siguro lunch time dun sa panaginip ko at nagbabasa na ako ng dyaryo. Hindi yun Inquirer...gaya nang nakasanayan pero hindi rin yun Philippine Star. Masyadong malaki at makapal din ang newspaper na yun para sa isang tabloid. Ang headline: "Sino ba sya?"
Alam kong kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyon. Bakit naman ganun yung headline. Parang blind item lang. Pero in fairness, na-intriga ako. In smaller font, may nakasulat na ganito sa ibaba ng headline: "Hint: Nakaupo katabi ng telepono."
In less than a second, nag-flash ang image ng isang higanteng rubik cube sa harapan ko. Pero sa halip na colors ang nakita ko sa faces ng cube, mga pictures yun ng isang Christmas Party. Yung rubik cube, mistulang naging mosaic ng mga pictures na. Ang cute! Animated pa yung nakita kong image. Paikot-ikot sa harap ko para makita ko lahat nung sides. Matiim kong tiningnan yung mga larawan para malaman ang sagot dun sa headline/tanong/blind item.
Isa, dalawa...Ilang beses nang umikot yung rubik cube, pero puro anonymous faces lang ang nakita ko. Kunot-noo na talaga ako to the max dahil atat na rin akong sagutin yung headline/tanong/blind item. Parang excited din ako.
Finally, nung nasa punto na ako ng init-ulo, may nakita akong, at least...pamilyar...at yun ay piktyur ko na kumakain ng macaroni salad sa tabi ng isang grey na telepono.
"Ako?! Bakit ako andyan," sabi ko sa panaginip ko. Biglang windang mode. Pero windang in a positive sense. Kaya naisip kong...hindi naman siguro ito paraan ng mga assassin para malaman kung sino na yung susunod na titirahin...masaya naman yung feeling ko nung makita ang piktyur ko, eh.
Umikot ulit yung rubik cube at nag-zoom in ang isa pang picture. Syempre, anonymous face ulit...ng isang babae na nakaupo rin katabi ng isang black na telepono. Minus ang windang mode. Dalawa pala kami. Parang nalungkot ako. Para akong contestant sa beauty pageant na gustong manalo ng crown...pero parang first runner up lang talaga yung kaya. Ganun yung pakiramdam.
**********************************************************************************
(1) buzzing flowerpecker (2) mahogany (3) SF building flagpole (4) green (5) falcata (6) ice cream (7) nobita (8) realistic (9) pajama (10) bus rides (11) bike (12) champorado (13) candleburn (14) kryptonite (15) field trips (16) beaches (17) high-cuts (18) forgetful (19) land before time (20) coffee trees (21) wax flower (22) East of the Mountains (23) E.O. Wilson
Photosource: flicker.com
Five minus Four
10 months ago


7 buzzing nila:
Napakaorganized ng panaginip mo ah.
Oi, baket pasulpot sulpot ka na lang?
nice post!
dream a dream! hahaha!
you write very well...
link this up:
http://aagizerrific.wordpress.com
http://aagizer.blogspot.com
http://asiatic101.wordpress.com
hope to read more from you...ΓΌ
kirksydney--> organized ba? Magulo nga eh.
ngapala...medyo, hindi lang ako masyadong nakakapagliwaliw sa blogworld ngayon.hehe.
aagizer--> thanks for dropping by. I'll just hop into your sites, one of these days.
naks, ang gulo ng panaginip mo. isa lang ang masasabi ko: yung newspaper na makapal, MANILA BULLETIN siguro yun. =)
siguro dapat, magdasal ka bago ka matulog para next time, ikaw na ang winner at hindi lang runner-up.
may award pala ako para sa yo.
http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/2008/11/27/matagal-ko-nang-alam-na-cute-ako/
god bless!
waking dream ba buzz?
amp!
ang ganda ng panaginip mo!
ako nanaginip lang kagabi!
at ninyerbyos ako sa dream ko!
amp!
hindi tuloy ako makatulog kasi iyon at iyon pa ring ang dream ko!
mungs--> oo. medyo sa madaling araw ko ata napanaginipan yang panaginip na yan.
eloiski--> hehe. horror bang panaginip mo?? o inaasungot ka rin sa panaginip? hehe.
Post a Comment