Thursday, December 18, 2008

Am I too old for Christmas?

Photosource: magazine.virtualmalaysia.com

Whew. Parang nagsilabasan lahat nang mga tao sa mundo. Talagang siksikan ang drama sa malls, sa palengke, at sa daan. Busy ang lahat sa christmas shopping, sa christmas party at syempre sa christmas gift.

Bigla ko tuloyng naalala...wala akong fond memories sa mga ninang at ninong ko. Hindi ko alam kung ilan lahat sila. At lalong hindi ko alam kung sinu-sino sila. Parang fictional characters ang pinag-ninong sa binyag ko at lahat sila'y hindi nagpaparamdam sa akin. Kaya medyo hindi ako nasanay sa regalo mula sa mga ninong at ninang. At lalong hindi na ako naghahanap. Gumive-up na ako noong unang panahon. Kaya magpakita man sila ngayong pasko...i doubt it kung aasa pa akong magbibigay sila.

Sino kayang magbibigay ng regalo sa akin ngayong pasko? Hmpf. Sure akong hindi magbibigay yung mga kapatid ko. Ang mga iyon pa! Wala nang ginawa ang mga yun kundi holdapin ako payday after payday. Hehe. Humirit na rin ako sa mga magulang ko pero syempre alam ko naman ang isasagot ng mga iyon...yung mga uncle ko din...pare-pareho yung mga sagot...kesyo me-trabaho raw ako...kaya di na daw ako bibigyan ng gift...

ganun-ganun na lang ba yun? Dahil ba working cow na ako, gradweyt na rin ako sa pagre-receive ng christmas gifts? Isa ba ito sa mga malulungkot na facts na kaakibat ng pagtanda? O sadyang pahirap nang pahirap lang talaga ang buhay kaya't budget cut na rin sa mga regalo?

Ang pasko nga raw ay para sa mga bata. Kaya ba kahit sa regalo ay sila ang priority ngayong pasko? hehe. Pero ke-me regalo o wala...naniniwala pa rin akong...nobody is too old for Christmas (hehe). Kaya....mangungulit pa rin ako ngayong pasko!

9 buzzing nila:

UtakMunggo said...

tama ka. nobody is too old for christmas.

akalain mo, kahit ganitong damatans na ako, noong pumunta kami sa toys r us ni sarge marami akong na-appreciate na laruan at bigla kong naisip kung may ganun lang sana noong bata ako eh baka gumulong gulong pa ako sa sahig para bilhin ng kawawa kong mga magulang ang laruan. hehe

buzzing flowerpecker said...

hehe. nag toy kingdom din ako last week para ihanap ng costume yung anak nung ka-opisina ko. hehe.

gusto ko yung magic slate...parang ansarap mag drawing dun. :D

merry christmas kina bru. :D

FerBert said...

wala akong matandaang niregaluhan ako ng mga ninong at ninang ko.. nung namatay ata si mama nasama na rin silang nailibing.. ahaha

merry xmas

prinsesamusang said...

of course BF. christmas is christmas kahit 98 ka na. happy holidays to you!

buzzing flowerpecker said...

Ferbert--> hehe. apir tayo diyan. Bakit pa kasi binuo ang sistemang ninung-ninungan...hindi ko naman napakinabangan. :D

musang--> hehe. anong meron dun sa 98?:D hehe. ba't di na lang 100?:D

hapi holidays din!

eloiski said...

woohoo!
ramdam mo na?
ramdam ko an rin tol eh!
hekhek! ang lamig at ang mga malls aysus ang daming tao!
buti na lang at nakapamili na ako!

parehas tayo ate, naku hindi ko kilala kung sino ang ninong at ninang ko.
ni hindi nga rin sila nagpaparamdam! amp!

kaya hindi ako umaasa na may matatanggap ako mula sa kanila! asa naman ako!

kung hindi miles away ang distance na tin baka naregaluhan na rin kita! amp!

hmmm... kaya aayaw ko tumanda eh!

siangelnawalangpakpak said...

wawa ka naman. naging bitter ba ngayong pasko. wag naman. i'm sure may matatanggap ka ring regalo sa 25. hindi ka naman matitiis ng mga kapamilya mo na sila may binubukas na regalo, tapos ikaw wala.

kung may pera lang ako, reregaluhan kita. kaso wala eh. sowi. hehehe...

meri christmas!

anakngpiso said...

sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
cheers;p-glesy the great

buzzing flowerpecker said...

eloiski--> ang late ng reply ko...bagong taon na eh..:D

pero yung regalo...pwedeng cash na lang may paypal ako saka bank account. hehe.

joke lang.:D

angel na walang pakpak--> wala pa ring nagregalo sa kin nung 25. hehe. pero may bagong taon pa naman eh..hehe.

*asa pa ako*

glesy--> talagang walang diet2x. hehe. :D

kain tayo to the max!

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)