Friday, March 28, 2008

Buzzing news

Kanina lang…nag-blog hopping ako ulit. Bored kasi. Wala namang bago. Ganun pa rin. Puno pa rin ang blogworld ng mga angas sa buhay, advertisements, mga romantic pieces, mga sigaw ng emokids, at sang katerbang posts ng kabataan na kapareha ko ang tabas ng dila.

Wala pa rin ako masyadong gustong i-link. Mali. May gusto na sana akong i-link. Nagbago ang isip ko…parang OA na kasi na hanggang sa blogosphere nakabuntot pa ako. Kaya wag na. Ili-link ko na lang yung mga blogs ng kaklase ko sa college, baka sakaling may marinig akong bago.

Parang di ko pa feel ang summer. Buhos na buhos ang ulan eh. Full blast pa rin ang aircon. Sarap sanang mag-senti, kaya lang nakilimutan ko na ang tamang paraan ng page-emote. Kaya, blog na lang ako uli. Baka sakaling may maligaw sa site na ‘to. Mabuti na iyong updated.

Buzz News

Kahapon sa buhay ko. Isang araw rin siguro kaming nagtanungan ng mga ka-housemates/officemates/newly found friends kung saan nga ba kami pupulutin after June 30. Matatapos na rin kasi ang project…ibig sabihin cut off na muna ako sa sweldo, sa internet, at sa buhay opisina. Masaya yun, pahinga sa paperworks. Pero wala ulit akong pera, hehe. Yun ang malungkot. Hehe.

Mag-a-apply sa ibang trabaho, sure kaming lahat. Pero sa kung anong trabaho, ewan. Ilang options ba meron kami? O sige, ilang options ba meron ako para din a madamay ang iba sa choices ko, hehe.

Option number 1. Call center. Oo naman pwede. Marami rin naman akong friends sa industriya na to, kaya hindi masyadong malungkot. Ayos lang naman din ang pera sa trabahong to, mas malaki nang kaunti sa current kong sweldo. Posible ‘to.

Option number 2. Mag-abroad. Sa kung papaano, eh hindi ko pa maisip. Uso daw ngayon mag-training ng “dairy” hehe. May training sa CMU, 6 months, tapos kung masipag ka lang at may koneksiyon, New Zealand ka mapapadpad. At in less than a year, magkaka-kotse kana. Sarap! Kaso, payatot ako. Baka isang oras pa lang sa New Zealand, manigas na ako! Hehe. Anlamig dun (literally and figuratively)!

Option number 3. Mag-apply sa kung saan-saan. Wala naman akong problema kung sa anong klase ng trabaho ang pwede kung pasukan ‘wag lang syempre yung related sa illegal drugs at kung anu-ano pa. hehe. Pwede akong tindera, taga-hugas ng plato, at taga-walis ng kalsada.

Option number 4. Manahimik sa bahay. Imposible. Pag nasa bahay, imposible ang tahimik na buhay. Hehe.

Option number 5. Mag-aral ulit. Problema: wala pa akong pampa-aral sa sarili ko.

Option number 6. Mag-negosyo. Oo naman. Sosyo na kami ng kapatid ko sa maliit naming manukan. Hehe. Sana mabuhay lahat nang manok namin. Hehe. Marami pa naming pwedeng ibenta—kidney, liver, mata…etc. depende kung sa anong kaya mong sikmurain. Di ko kakayanin to. Hehe.

Hay. Sa totoo lang di ko kayang isipin kung anong mangyayari sa near future. Bakit ba parang sa totoong buhay, imposible matupad ang mga simpleng pangarap? Ang hirap talaga ng buhay ngayon, kaya hindi ko ma-gets kung bakit may ibang mga taong nagtatapon ng resources. Sa ngayon, kelangan kong magtipid, para may magastos sa serye ng pag-aapply ng trabaho. Mahaba-habang journey pa ito…isang masayang pamamaalam at simula!

Thursday, March 27, 2008

abnormal

Oo nga naman. Normal ang boredom. Ang hindi lang siguro normal ay iyong tipong kumakain ka na ng papel dahil wala kang ibang magawa…hindi…wala kang gustong gawin. Blog ako nang blog, wala namang nagbabasa. Feeling ko, hindi pa umabot ang saku-sako kong friends sa blogosphere…busy kasi sila…sa pag-aaral, sa trabaho, sa buhay. Minsan siguro bored din sila…pero mas may naiisip silang gawin kaysa mamalagi sa blogosphere, mang-espiya, o mang-asar.

Hindi rin naman ako yung type na makikiusap sa ibang tao para samahan ako sa blogosphere. Yung kunway nagco-comment…pero ang totoo…nagpapa-visit lang ng site. Pero sa paraang ito naman talaga nagkakasalubong ang mga sites…nagkaka-exchange ng ideas (naks), nagkakahawaan ng kawalanghiyaan…(hehe)…at kung hindi ako at ease sa ganito, tapusin ko na lang kaya ang blog ko? Wakasan na lang ang serye ng mga posts at kalimutan na lang na may blogger account ako.

In the first place, paano ako na-introduce sa ganitong gawain (hehe)? Ayan kasi, ang hilig-hilig makigaya…paano kasi may mga araw na walng ibang magawa…hehe…bored nga talaga ako. Babalik na naman ako dun sa boredom issue. Na normal nga naman ang ma-bore. Kaso, kumakain na ako ng papel ngayon, as in ngayon mismo. :p


Wednesday, March 19, 2008

I just wanna be on the beach! (Sunburn)

San Isidro, Manay Davao Oriental.

This beach really offered the best way to end our Limentuog fieldwork! Matapos ang sanlinggong kainan ng putik, ilang oras ng umaatikabong lakaran, at ilang araw ng pagno-nosebleed dahil sa kakaintindi ng pure mandaya language...sa wakas, nakaligo na rin ako sa beach ng Manay.

Di na'ko nakaw-tingin, hehe!


Ako...at ang super wave ng beach...sayang, di na-capture ng camera ang mas malaking wave..as in WAVE...alas-singko ng umaga pa lang yan...sugod-dagat na kami!
Disadvantage lang para sa mga lampayatot na tulad ko ang naglalakihang alon. Sugat at galos to the max lang naman ang inabot ko sa pakikipag-slam with the waves... ayon tuloy...kiskis sa mga bato ang inabot ko!

Wednesday, March 12, 2008

Blooming Kape

Naks. May nagtanong na naman kung mag-aasawa na ba’ko. Grabe, ina-araw-araw na yata ako ng tanong na ‘yan. Buti sana kung yung nagtanong eh handang mag-volunteer bilang groom X years from now when X>10. hehe. Di ko rin ma-imagine kung anong klaseng kulubot meron ako pagdating ng panahon na ’yan.

Mukha na bang mag-aasawa ang isang 22-year old, na may tatlong kapatid na kelangan i-libre, may pangarap na hindi pa nauumpisahang tuparin, may sweldong kulang pa sa mga angas niya sa buhay?

Naman. Bakit ba ako nagkakaroon ng mga ganitong issue sa buhay? Bakit parang may nagkaka-problema kung mag-aasawa nga ba ako o hindi? Hehe. Naiisip ko tuloy kung gaano ka impossible sa akin ang mag-asawa na agad o gaano ka posible na hindi na nga ako mag-asawa kahit kalian…hehehe. Parang alam ko na ang sagot..pero paano ko ba ipapaliwanag?

Haay…sa ngayon…nami-miss ko ang mini coffee forest sa gilid ng daan patungong CSM…sa UP Mindanao. Baka blooming na ulit ang mga coffee trees ngayon at naaamoy na sa hangin..hehe..(senti…biglang may napaka-corning rush of memories).

Ano ba yan. Asan na ang coherence at lahat-lahat nang itinuro sa elementary paragraph writing…hehe…ganito naba talaga ako ka-fragmented mag-isp?

Saturday, March 8, 2008

Freezing point


Ihi ako nang ihi. Sinlamig ng Russia ang office…binansagan nga itong mossy forest dahil sa lamig. Feeling ko, bumibigay na lahat ng fat cells ko sa katawan. Buhay pa ako pero parang naka-preserve na. Pati utak ko tuloy nag-yeyelo na.

Pero di kinaya ng aircon ang init ng ulo ko (freezing ang brain pero ang emotions hindi). Ako kasi. Sobrang hilig mang-espiya. Ayan tuloy, nakikita ko ang mga di ko gustong makita. Nababasa ko ang mga ayaw ko sanang basahin. Kung nagmumura lang ako, puno na ang page na’to ngayon.

Kaninang umaga lang, nagbalak akong gumawa ng video…sumulat ng message, mag-email…nagka-ambisyon sandali na tapusin na ang mga unfinished business. Pero may pride na ako ngayon. Nagka-pride na ako uli.

Banned muna ang friendster account ko. Sayang. Nung isang araw lang nag-hirap ako sa kaka-upload ng photos at kaka-edit ng profile. Pahinga na muna ang fans club ko sa friendster, wala muna silang maririnig mula sa ‘kin.

Masyado na bang masikip ang mundo? Pati sa cyberworld, di na’ko matahimik. Well, kagustuhan ko naman, in the first place, na mag-kurus ulit ang landas ko at ang landas ng ibang tao diyan. Pero, pahinga muna ako. Ako lang naman ang pathetic dito. Sino ba kasi ang na-iinis at nag-susulat ng mga angas sa buhay ngayon? Ako lang naman. Ako lang naman.

Kaya eskapo muna ako sa internet…balik na lang ako ulit pagka-melt ng utak ko. Pero ewan kung mangyayari pa iyon. Aakyat ako somewhere sa susunod na mga araw. Malamig daw doon…kaya walang chance na ma-melt ang utak ko.

Kakain siguro ako ng putik doon. Kain ako dapat ng isang truck ng putik. Baka tumino na ako pagkablik ko.

Answering accusations: the repeat


I was asked about marriage; I was surprised. I blurt out a safe answer; it was not accepted. I shouted the truth out; it was rejected. I organized my thoughts to come up with some rebuttals using the very arguments thrown on me; I was accused. In the end, I gracefully retreated…because I’m afraid blood would soon ooze out of my nose and eyes…chemical signals would overload my nerves…and my lungs would burst in disgust.

I am not marrying two years, three years or even five years from now. I don’t know when will it be, and I totally don’t care if I’m fifty years old by then. Is it that hard to grasp? Why can’t I be spared with this accusation (directly quoted)” Don’t tell me you’re a lesbian?”

Well, it’s not totally new to me. I’ve been through meaner accusations and even shallower, more stupid reasons underlying those allegations. But I will never be tired of explaining and I will never hesitate to say the same story all over again.

I am not a lesbian, I will never be, and I never even thought of becoming one. I have my own love story but I suggest that anyone apart from my closest friends should have to stay off limits to those certain life pages. I am certainly not the type who liked to be dragged out into the open…and I’m not willing to sacrifice my reservations for the sake of other people’s satisfaction.

I am not marrying within the suggested, “normal” marrying age bracket (24-29) for personal and economic reasons. I have my own dreams to feed, I have my own ideals to regain, I have my own priorities to attend to and I have long been aware of all the complications resulting from the first three “I have’s.” It’s a corny reason, typical maybe. But typical as they may seem, these reasons never seem to be enough when I am the one using them; definitely not enough for some people to accept…and believe. I don’t know what brains are inside their skulls…some people are just so, so dense.

Yes, I am being defensive because I live up to a certain character. And anything other people seem to see, which lies totally apart from who I really am, is my serious business. I am not actually stooping down to their levels…but I am trying to upgrade their own way of thinking. I am just being wiser.

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)