Friday, June 27, 2008

Extended


Extended! Oo, may trabaho pa rin ako hanggang august nga lang. Pero kung ngayon at next week ang pag-uusapan…oo may trabaho pa ako. Katakot nga eh. Kasi santong paspasan ang gagawin namin para lang matapos yung mga nakatakdang tapusin. Katakot talaga. Kasi parang by hook or by crook… talagang kelangan matapos na lahat until August.

Wala lang. Hindi ko masasabing fully masaya ako. Ngayon ko lang ata masasabi na…really…mixed ang emotions ko. Naka-program na kasi ang utak ko na finally, I can relax. Hindi naman sa ayokong magtrabaho at nagiging batugan lang ako…pero…grabe…talagang inamin ko sa mga bosses na napagod ako at nahirapan talaga…kaya nga I need a break.

Pero…ungas din naman kasi ako. Gusto ko rin namang matapos yung project nang maayos…nang may klarong output mula sa side namin. Pag nangyari yun…hehe…kahit matapos na talaga yung contract ko dito. Yung trabaho naman…pwedeng hanapin ulit…pero yung mga hindi natapos…yun yung mahirap balikan.

Kaya…yeah!...extended ako. Wala man akong party-level na excitement…at least…may panahon pa ako para nga magka-graceful exit…dalawang buwan din yun. Siguro naman pag umalis ako…wala na akong mga unfinished business.

Kaya…hinga buzzing flowerpecker…hinga!

Thursday, June 26, 2008

Zit says BF

Zit. Gusto nang mag-log out ni BF at umuwi. Bukas na dapat sya magsa-submit ng resumé…pero ni isang letra di pa niya naisusulat. Zit ulit. Ba’t ba ganito ka-hassle ang pag-end niya sa trabaho ? Andaming utos ni Batman na parang aabutin ng habang buhay bago matapos...kaya kanina, talagang sabi ni BF-->hanggang june 30 na lang po ako, boss. Zit. Tumango lang si boss, na parang his way of saying-->Oo nga..kaya nga before june 30, tapusin mo na lahat iyan.

Zit…anong araw ba ngayon? June 26. Biyernes na bukas. Parang magma-magic na lang niyan si BF para magawa ang lahat-lahat nang kailangan gawin. Zit. Ngayon pa sumama ang pakiramdam niya...ubo maya’t maya. Pwede pa dapat syang mag-leave. Sa 30 days, aba...two days lang ang nagamit niya. Kadakilaan nga naman. Buti sana kung convertible to cash yun…hindi pa naman. Zit talaga.

Tinatawag na si BF ng call centers. Ganun talaga. Sabi ko na, darating at darating ang araw na ito na kelangan na talaga ni BF na mamuhay ayun sa options niya. May isang project sana na nabanggit sa kanya pero mukhang matagal pa iyon. Baka di na makayanan ni BF maghintay. Buti sana kung ang kapatid niya pwedeng magbayad ng bato pang tuition…buti sana kung damo lang ang kinakain ni BF. Tsaka, paano siya makakapag-aral ulit niyan kung di sya makakapag-ipon.
Ito na nga ang midlife crisis (Ba’t ang aga naman ng dating?). At sa mga panahong tulad nito, kelangan ko nang iwan ang comfort zone ko at mag-decision.

Monday, June 23, 2008

Nasa Hotseat si BF

Ngayon, sasagutin ni BF lahat nang issue na ibinabato sa kanya. Maraming nag-bo-Boy Abunda sa kanya nitong mga nakaraang araw; kaya tuluyan nang babasagin ni BF ang pangako niyang hindi muna magbo-blog. At dahil masyadong magulo pag maraming characters sa isang walang kwentang kwento, itago na lang natin sa pangalang Luffy ang lahat nang nag-bo-boy abunda kay BF.

Luffy: San ka after june 30? May raket ka na ba?
BF: Naghahanap pa nga ako ng raket. Basta, gusto ko bagong mundo na naman. Feel kong lumabas muna ng earth ngayon. Pupunta akong Nemic. Sama ka?

Luffy: So, nagku-quit ka na ba? Pumasok-pasok ka dito sa field na ito tapos magwo-walk out ka na lang?
BF: Bakit…end na naman ng contract ko ah? Hindi ko naman ma-a-afford na mag-volunteer; kumakain ako ng pay check!

Luffy: (Nag-text ng: Kamusta ang luvly mo?)
BF: (Nag-reply ng: As usual, inlab pa rin ako sa sarili ko. Hahaha.) Side Story: Ang totoo, hinarap na ni GG ang mga papables kay BF…pero wa-effect ang mga iyon. Ganun talaga eh.

Luffy: Asan na si Superman?
BF : Nasa Hate List ko. Ipinagpalit ko sya kay click. Kaya ang isasagot ko sa susunod na tanong na---

Luffy: Lesbo ka ba?
BF: Hindi. * Tut * Paulit-ulit ko nang sinasagot ang tanong na iyan, ah! Magpapakasal na nga sana ako kay Superman kaso ayaw naman niya. Hehe.

Luffy: Nakapagdecide ka nab a na sumunod sa Nemic?
BF: Gusto kong i-try. Maghuhukay ako dun ng Dragon balls tapos ipapa-kilo ko na agad. Makakapag-enroll na ako ng masters.

Luffy: Anong pinanood mo nung sabado sa internet?
BF: Anime.

Luffy: Sus, Hentai iyan ano?!
BF : Bakit gusto mong maki-share ?? (Gakuen Alice ang pinanood ni BF nung sabado for the nth time).

Sa huli, matapos ma-realize na last week na niya sa trabaho at kelangan na niyang umalis, si BF na mismo ang nagtanong sa sarili ng: Handa na ba ako?

Monday, June 16, 2008

Fledging Season

Natuwa si BF matapos panoorin ang The Chronicles of Narnia: Prince Caspian last week. Wala lang. Mababaw lang naman talaga ang kaligayahan niya. Tsaka, antagal din niyang hinintay yung pelikula matapos mapanood yung The Lion, The Witch and the Wardrobe nung 2005 (kasama niya noon ang mga superfriends niya sa panonood).

Pero hindi tungkol doon ang buzzing na ito; kahit pa sabihin nating nag-agree si BF dun sa “Things never happen the same way twice,” na pa-effect ni Aslan (yung lion sa Narnia). Di rin ito tungkol sa Kung Fu Panda na panonoorin pa niya at ng kanyang mga new found friends/officemates mamaya pagkalabas ng office. Hindi rin ito about sa sakit ng ulo na inabot niya dahil sa pagpapaulan kahapon o kaya’y tungkol sa tiyak na lagnat na aabutin niya mamayang gabi. Wala ring kinalaman ang baha sa mga kalye ng Davao o ang skyrocketing na presyo ng gasolina sa post na ito. Wala ring kaugnayan kay Superman ang account na ito kahit pa sabihin nating nasa Hate List na rin siya ni BF. Uhm…hindi rin ito tungkol sa trabaho, napipintong kawalan ng trabaho, at mga prospect na magiging trabaho ni BF dahil pagod na muna syang mag-isip.

Ano nga ba ang dahilan ng post na ito? Haay…bigla lang niyang na-miss ang bunso niyang kapatid na babae. Nag-desisyon ba namang maging missionary sa Cambodia…Hehe. Wala pa naman sa Cambodia yung kapatid niyang itago na lang natin sa pangalang Red-keeled Flowerpecker…pero nag-aaral na sa isang Bible school at hindi na maaring umuwi nang madalas. Mahirap sa Bible School. Tipid ang kain, walang lakwatsa, maraming bawal. Pero sabi naman ni RF sa ate niyang si BF na yun daw yung ‘calling’ niya. Sabi naman ni ate BF kay RF na baka ‘missed call’ lang yun. Pero, ayun tumuloy pa rin si RF. Naisip ni BF sinagot naman kasi agad…

Magiging missionary na ang dalawa sa kanyang mga kapatid. Natutuwa sya, nalulungkot din. Ang hirap kasi ng buhay na pinili ng mga kapatid niya. Well, hindi rin naman madali ang buhay ni BF…pero mas magiging mahihirap siguro ang sa mga kapatid niya. Madalas pa namang nagbibiruan sina BF at RF na maga-abroad sila balang araw para makita ang mundo at maglakwatsa pag yumaman na talaga sila (haha) o pag nakapag-asawa si RF nang super mayaman talaga. Ayun…mukhang mag-aabroad nga si RF pero definitely hindi para maglakwatsa. Naisip ni BF na isama na lang sa plano ang Emo bro niya na itago na lang natin sa pangalang Pied Flycatcher. Pero mukhang mas isasama ni PF sa pangarap ang girlfriend niya.

Kaya ayun. Maghihiwalay na nga siguro sila ng landas ng mga kapatid niya. So long, farewell ang drama. Na-miss nga talaga ng tatay niya si RF at si Pooh (isa pang kapatid na missionary) lalo nung Sunday kasi Father’s day. Inilibre na nga lang ni BF si tatay para huwag masyadong mag-emote. Actually, gusto rin talagang mag-Ice Cream ni BF. Pero matapos nilang mag-ice cream nina Itay at Inay, kumain pa sila ng mami. What a combination tuloy ang drama. Ganun nga siguro talaga pag medyo malungkot. Dumating na rin talaga ang pag-fledge ng mga kapatid niya.

Friday, June 13, 2008

Buzzing Flowerpecker walks down the road...

Night just faded in such an unnoticeable manner. Well, so many things just went past me, unnoticed; last night is just one of them. This morning, all the things which defined my mornings are there—sun in the east, last night’s dirty dishes, no boiling water for my instant chocolate drink. No plans for the day really; just wishful thinking. Maybe, I’ll grow tired of these things someday. Maybe, I’ll grow sick of myself one day. But today, I’ll just get by.

So, what exactly is just getting by? I had a feeling that I don’t really define this getting-by-thing. I just have to, sort of, act it out. At its simplest, getting by is smiling through hot morning walks when you don’t have an umbrella. It’s looking still at nice chocolate cakes through glass windows when the pay day is still a week away. It’s being nice to people who aren’t very nice even to their selves. Getting by is actually being nice to myself when everything turned out worse.

At its grandest, getting by is finding and hearing music in everything silent and silenced. It’s letting barefooted feet stomp, jump and dance on clay. It’s shaking hard under the cold rain while waiting for somebody to open the door. It’s living and smiling through unimaginable situations.

Gone are the days when this getting-by-thing used to be the loser’s strategy. I’m getting by…as grandly as I possibly could.

Tuesday, June 3, 2008

Superman X BF

Limang taon nang hindi nakikita ni BF si Superman. Feeling ko nga, kelangan pa nilang mauntog sa mga ulo ng isa’t isa para marealize nila na magkakilala pala sila. Feeling ko nga, kelangan nilang mahiya pag nangyaring mauupo ulit sila sa iisang mesa. Feeling ko nga, matagal bago may isang magi-initiate ng conversation.

Siguro, tatanungin ni Superman si BF kung napanood na niya ang Iron Man. Tapos syempre iiling lang din si BF. Hindi kasi sya mahilig sa ganung pelikula. Ang totoo, hinihintay ni BF kung kelan ang showing ng Narnia…pero hindi naman nanonood si Superman ng ganun.

Kaya mag-iisip ulit si Superman kung anong pwedeng pag-usapan. Tapos mag-iisip naman si BF kung anong posibleng itanong ni Superman sa kanya. Sa huli, pareho pa rin silang walang maisip. Pareho pa rin silang walang masabi.

Siguro, tatanungin ni Superman si BF kung nanonood siya ng American Idol. Tapos maiinis lang si BF dun sa tanong dahil iling na naman ulit ang isasagot niya. Kaya para may mangyaring discussion, susubukan ni BF na sya naman ang magtanong.

Magtatalak si BF tungkol sa gubat, sa ibon, sa coral reefs, sa climate change. Mag-aagree lang sa kanya si Superman at magco-comment paminsan-minsan. Tapos maaalala ni Superman ang remix ng mga kanta ni Justin Timberlake saka mapapasayaw ang mga paa niya. Kaya titigil sa kakadada si BF at titingnan na lang si Superman.

Kaya magkita man ngayon si BF at si Superman, matapos ang limang taon, feeling ko mas iiwassan nilang mauntog ang mga ulo sa isa’t isa. Feeling ko, mas imposibleng mangyari na mauupo pa sila ulit sa iisang mesa. Feeling ko nga mas walang magi-initiate ng conversation. Siguro, dadaanan lang nila ang isa’t isa na parang hindi sila magkakilala.

Monday, June 2, 2008

End of Summer, First of June

Tapos na nga pala ang summer. Sana makaget-over na ako sa kakasulat ng pangarap sa buhangin. Last turn of tide na para sa akin…para sa amin. Matatapos na rin kasi ang “project” at ang sabi ng aming mga kontrata, hanggang June 30 na lang kami maghihintay ng paycheck.

Nalulungkot ako, totoo; syempre, dahil wala na ulit akong sweldo sa July at hindi ko na maipagyayabang maski ang kakarampot kong sahod. Matapos ang isang taon, cut off na ako sa office at fieldworks. Malaya na rin ako mula sa mga utos ni Batman.

Pero nalulungkot ako, talaga ; kahit pa sabihin nating atat na atat na rin akong umalis para i-discover ang tunay kong niche sa mundo. Gustuhin ko mang maging altruistic at manatili, iba na ang tawag ng panahon. Ang sabi ng bulsa ko, kailangan ko syang punuin para makapag-aral ulit sa isang disenteng skwelahan. Wala akong malaking chance sa mga scholarships na ‘yan…karamihan kasi sa mga grants eh nakatitig sa makapangyarihang grades at GWA.

Ba’t ba kasi pinili kong maging sutil at maging unbeliever sa magic ng GWA at grades dati? Pinili kong magpaka-ewan para lang mapatunayan na ang grades ay inembento lang ng ibang taong ang layunin lang sa buhay nila ay makapagyabang.

Nalulungkot ako, as in; kasi naman kaunting options lang meron ako. Kailangan ko na talagang mamuhay ayun sa mga options na yun. Ito na nga marahil ang totoong mundo...ito na nga siguro ‘yun.

PS. Ang unang linggo ng Hunyo ay Philippine Eagle Week kaya mag-celebrate na ngayon! Baka in less than 50 years, hindi na tayo makapag-celebrate ulit!

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)