Wednesday, July 30, 2008

Hindi ito comment!

Napaka-buraot ng kontest na 'to. Parang gusto ko pa ngang bigyan ng award si Buraot dahil siya na ang pinaka-best in effort sa larangan ng pagpro-promote sa sarili! Mantakin mong lahat nung instructions dun sa Siskatchupoy si Buraot contest may kinalaman sa (pagka-buraot niya) kanya.

Para sa mga hindi pa nagagawi sa tambayan ni Buraot, ito po ang isa sa mga napaka-selfless instructions: (Click here for more info about Siskatchupoy si Buraot Contest)

1. Pumili ng alin mang post sa Anak ni Kulapo. Mantakin mo yun? Uutusan slash pakikiusapan ka pa niyang balik-balikan yung mga naka-kaban niyang post para hanapin dun ang mahiwagang sagot sa instruction na ito ?!

Eh busy akong tao eh! Sa sobrang busy ko nga talagang nagkapanahon ako para magliwaliw sa mundo ng blog. Sa sobrang hectic ng schedule ko, talagang napasali ako sa bonggang-bonggang kontest na ito. Ganun lang naman ako ka-busy.

Hindi naman siguro ako ma-tetechnical nito dahil ang pinakagusto kong post ay iyong mga nag-aannounce ng kaperahan sa world. Kaya ang pipiliin ko ay yung mismong announcement post ng Siskatchupoy si Buraot contest.

"Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo." --Itung-ito naman yung instruction ah? Kaya, choks na ako dun sa number 1.

Pero dahil isa akong taong may wholesome image...at pangarap ko talagang maging kapita-pitagan sa lahat ng kapita-pitagan...pipiliin ko yung Ang Alamat ng singkong kulot. Pinaka-ayaw ko kasi sa lahat yung nasasabihan ako na mukha 'kong pera...na puro tumataginting ang nasa utak ko.

Ang totoo niyan, ang pagsali ko sa napakakumukulong pakulong ito ay dahil ako po ay mapagkawang-gawa. Lagi akong matulungin sa mga tao. Kaya kung gustong i-promote ni Buraot ang sarili niya aba'y ako ang pinaka-girl scout sa bagay na iyan!! Kasi nga naman, antagal na niya sa blogging pero nakakalampasong 17 198 hits as of 12:22 PM, July 30, (Davao City Time) pa lang naman yung site niya.

Kaya bisitahin niyo rin po siya sa http://www.kopongkopong.com/ dahil kailangan niya po ng ating napakalaking moral support slash pansin!

At naku, huwag kayong masisilaw dun sa Grand Prize na 3000 entrecard credits at 300 dollars na kulang naman pambili ng house and lot. Huwag tayong padadala dun sa walang kwentang second prize na 1000 entrecard credits at 100 dollars na hindi naman makakabili ng kotse. At lalong huwag malula dun sa napaka-bonggang 3rd at consolation prize na kung gusto niyong malaman ay i-click lang ito.

Gawin natin ito for the lab op “Kababayan Spirit” na syang tatalo sa Kapamilya at Kapuso pa-effect ng ilang broadcasting network! Hindi talaga mababayaran ng kahit anung halaga ang tinatawag nilang moral support.

Kung ako sa inyo, aba, sumaklolo na agad sa Siskatchupoy si Buraot Contest dahil gaya ng mga promo, may taning ang buhay ng pakontest na ito.

Last date of entry: 11:59 PM, October 31, 2008 PST ayon kay Buraot. Kaya sugod na sa http://www.kopongkopong.com/!

Friday, July 25, 2008

Life is Wonderful


Jason Mraz Lyrics
Life Is Wonderful Lyrics

Magku-kuwento na naman ba ako tungkol sa buhay ko? hindi na muna siguro. Ikukuwento ko na lang siguro ang buhay ng iba.

Kaninong buhay naman? Buhay ni Rizal? Subject na iyon eh. Buhay ni Kris aquino? nasa TV na rin eh. Buhay ni GMA? Kelan nga pala sya mamamatay?

Pero ano bang alam ko sa buhay ng iba? At ano naman ang pakialam ko sa buhay nila?

buhay na lang kaya ng mga kaibigan ko. Tahimik na ang mga buhay nila eh. Baka hindi ko pa ma-account nang maayos. Buhay na lang ni Superman. Ayan, nauwi na naman sa kanya. Change topic. Buhay ko na lang nga.

Ano bang alam ng iba sa buhay ko? At ano naman ang pakialam nila sa buhay ko? Buhay na nga lang ng ibang tao.

Buhay na nga lang ni Superman. Nauwi na nga sa kanya.

Ansama ng ugali ni Superman; walang kapantay ang kasamaan niya ng ugali. Biruin mo, siya yung nagtangkang magpakamatay. Pero yung ending, mukhang isa pa ako sa mga muntik nang mamatay.

Sobrang unfair niya! Hindi naman siya marunong mag-isip ng ibang tao; siya yung pinaka-example ng Selfish gene concept. Siya na lang palagi ang iniisip ng ibang tao.

Ang pinakamasama nito, mukhang natapos na niya yung kalbaryo stage niya. Pero yung mga nag-iisip sa kanya, napag-iwanan na. Sama talaga ng ugali niya!

Ansama talaga ng ugali ko; walang kapantay ang kasamaan ko ng ugali. Biruin mo, si Superman na nga yung nagtangkang magpakamatay...pati yung pseudo-death ko ibibintang ko pa sa kanya.

Sobrang unfair ko! Sino ba kasing may sabing isipin ko si Superman; ako yung pinaka-example ng Theory of Altruism. Dapat ko nang isipin ang sarili ko.

Ang pinakamasama nito, siya ang Superman. Pero ako yung nagkaka-superhero syndrome.
Ang bait ko talaga!

hehe. Ayan, nauwi pa rin pala sa kwento ko.

Wednesday, July 23, 2008

The (almost) Departed


Kung nagkataon, sa kamay pa ng falls na ito ako made-dedo. At hanggang sa huli, naturalist pa rin ang drama ko. Hindi talaga sumagi sa isip ko na possible palang sa ganung paraan ko lilisanin ang mundong ibabaw. At dun sa point na anything could happen, hindi naman nag-flash back ang past ko, kaya feel na feel kong hindi pa iyon ang katapusan!

Lapitin talaga ng disgrasya ang mga pasaway. Kasi naman, sumaydtrip lang kami sa Tinuy-an falls. Dapat nasa downtown lang kami nung mga oras na iyon. Pero dahil takaw-falls talaga ang mga mukha namin...sumaydtrip talaga kami.


Kaya ayun. Naging busy kami sa mga photo ops. Picture dito, ngiti doon. Walang katapusan na bungisngisan. Iba't ibang posisyon iyong pinag-gagagawa namin habang nagra-rafting. Tawa ulit. Photo op ulit.


Biglang dumating sa point na opposite directions ang paghila namin ng rope ng kaibigan kong itago natin sa pangalang Megalaima. Kaya ayun, una syang natumba. Pero bumagsak sya sa raft. Tawa pa ako nang tawa nung bumagsak sya. Ang di ko alam, medyo lumihis yung raft sa lubid na hawakan. Eh ako naman, sobrang ayaw mag-let go sa mga bagay-bagay...kaya ayun...ako ang nahila ng lubid sabay tumilapon na ako sa tubig.


Feeling ko, sa loob ng few seconds...sabay-sabay kung na-realize na hindi pala ako marunong lumangoy, lubog na ako...at wala akong maapakang lupa o bato. Mabuti na lang, mabilis pa sa speed of light ang guardian angels ko at binulong sa akin na buksan ko ang mata ko.

kaya ayun, pagkabukas ko ng mata..."asan-yung-raft-mode" kaagad ako. Nang medyo nakita kong hindi naman hopelessly distant yung raft, aba...langoy-aso na agad ako (first time kong nagawa ng tama yung langoy-aso). Parang yun na yung pinaka-automatic motor response ko. Lahat yun nangyari nang sobrang bilis. Talagang todo-kayod ako sa pag-abot sa raft na para tuloy akong si Sadako na gumapang paakyat sa raft.


Mahal talaga ako ni God. Mabuti na lang hindi niya ako hinayaan maging panickera.


Pero hindi naman talaga yun life and death situation. Sobrang sakit sa ilong lang ang inabot ko. Napatawa na lang ako nang matapos na ang short ngunit mala-forever kong instant swimming lesson. Ganun talaga. Actually, may nagbabantay naman sa amin sa di kalayuan...kaya pwede niya lang akong languyin kung saka-sakali.


Anything bad could have happened--hindi ko naman ini-eliminate ito. Kaya nga nagpapasalamat pa rin ako kay God na alive and kicking pa rin ako! :D


Habang bumabiyahe pauwi...naisip kong...di nga... kung natuluyan ako...hehe...lulungkot yung tatay at nanay ko pati na yung mga kapatid kong sina hanapangit, alongtabilong at arokmanok. haaaay!


...Ipalalagay ko sa tomb ko ang Sonnet XVIII ni Shakespeare.


Sa ngayon, tuloy ang masaya at makabuluhang buhay!






Saturday, July 19, 2008

R.I.P.

In memory of Kagsabua



Sadness. Lumabas na naman sa PDI yung whole story. At feeling ko di ang blog na ito ang proper venue para magkwento ako dun sa nangyari. Pabasa na lang sa PDI...19 July 2008, nasa front page naman yung story. Ilang days nang heartbroken ang mga tao. Lalo na yung mga nagmo-monitor talaga kay "kags."

In memory of Superman


Nagrequest ako sa sarili ko na maglungkut-lungkutan na muna. Ganun lang. Masayado kasi akong bumungisngis nitong mga nakaraang araw. At para mag-balance ang lahat...manglu-lungkut-lungkutan na muna ako.

Ang totoo, yoko talaga sa silent sanctuary. Kasi maiksi yung dila ng vocalist at hindi maayos yung pagkaka-pronounce niya dun sa lyrics ng kanta. Pero bilib din aku dun sa vocalist, kung sino man sya, dahil hindi siya pinigil nung structure ng dila niya. Kumanta pa rin sya. For the lab op music nga talaga.

In memory of Tsubibo, Tsubugnot, at Tsikot



sila ang tatlong puppies namin na sunud-sunod na namatay. Duda ko, tinamaan ng virus ang mga aso naming yun. Nagkahawahan silang lahat. At sa limang aso namin sa bahay, dalawa lang yung nag-survive.

Wednesday, July 16, 2008

Apples&Wine




Wala. In-email lang 'to sa kin. haha. Pinost ko lang din dahil natuwa naman ako dun sa content. Hindi naman sa nagbi-bitter-bitteran lang ang mga "Singles for the Earth." Talagang nagkataon lang na feeling namin talaga applicable sa buhay namin ang kung anumang nakasulat sa itaas.

OO. Feeler na kung feeler. Kanya-kanyang feeling naman 'yan eh.

Hmm. Bahala na si Superman kung mag-a-agree s'ya o hindi. Hindi na naman masyadong importante ang opinion niya ngayon.

Pero mahirap din yung pinagagawa sa mga babae. Imaginin mo, kelangang yatak-yatakan mo pa yung grapes para maging wine...paano kung sobrang yatak yung inabot nung grapes...tapos sa halip na dumaan sa wine stage eh mag-shortcut para maging suka?

....magiging maasim pa tuloy ang buhay ko.

kaya wala munang grapes-grapes. Banned muna si Superman.








 

Monday, July 14, 2008

Umani ng Lessons




Nangangalahati na ang july, pero nakakaisang post pa lang ako. Parang nafo-forecast ko na, na sa buwan na ito, magiging matumal ang postings ko. Oo, busy ako. Hindi naman ibig sabihin na nagiging masipag na ako. Andaming gagawin kasi. Naka-line up na parang hindi na matatapos. Nagiging isang mabuting empleyado lang ako.



Last week, hindi lang LBM, sama ng loob, at inis sa ibang tao ang inabot ko. Masyadong mahabang kwento kung iisa-isahin ko pa. Basta, para matahimik yung nagpro-protesta kong kaluluwa, aba, umabsent talaga ako. Isang araw nga lang tsaka sabado pa talaga. Pero ang mahalaga, umabsent ako. Paminsan-minsan, hindi naidadaan sa kabaitan ang lahat.

Kaya ito ang Lessons from the Last week ko:

1.) Huwag kumain ng maraming jumping shrimp salad. Grabe, sobrang laki nung mga freshwater shrimps na inihanda sa amin for lunch nung monday last week. Yun nga lang, hilaw at lumulukso-lukso pa sa batya. Isasawsaw lang yun sa sukang tadtad ng onions at sili. Solb at Sarap!

Ito yung hindi masarap. Maraming parasites ang fresh water shrimps (flatworms). hehe. Alam ko naman yun dahil lesson namin yun sa Intro to Parasitology aka Intro to paranoia dati. Pero, wala. Kumain pa rin ako na parang walang natutunan. Kaya...LBM and inabot ko.

2)Idaan sa dabog ang mga pasaway. Kapag nasa mga pang gobyernong opisina.... kapag hindi ka pinansin kahit nakikiusap ka't nakangiti....aba eh, magdabog ka na dapat! Kapag mukha ka nang madam sa pagdadabog, magkakandarapa na silang harapin ka.

3) Huwag tumulad da mga taong bitter. Ganito kasi yun...kausap namin ni boss yung mga barangay kapitan at tribal chieftain. Tapos, syempre, ininterview nila ako kung anong natapos ko, kung saang unibersidad. Syempre, masaya akong ibahagi sa iba na nagtapos po ako ng ganito, sa pamantasang ito...mahirap po, pero mahal naman ako ni God kaya nakatapos din.

Biglang spoiler naman itong si boss. Sabay pabagsak na nag-comment "Buti kayo kasi professional students kayo...eh ako, sumasabit lang ako nun sa jeep dahil wala akong pamasahe...working student ako!"

Syempre natahimik ako. Kung magsalita sya parang siya lang ang naghirap. OO! Iskolar ako ng nanay ko at ipagpapasalamat ko yun habang buhay! Pero nag-aral din naman akong mabuti para makapasok sa isang state U. Hindi naman ako nangarap na mag-Ateneo dahil hindi kakayanin ng budget ni nanay. Nag-apply din ako sa STFAP...nag-student loan...para makapag-aral. Kelan pa ba nangyaring ang blessing ng mabubuting tao ay dapat ika-bitter ng iba?

Buti sana kung anak ako ng isang druglord, ng may-ari ng malalaking logging at mining companies....buti sana kung ang tatay ko ay isang corrupt na politician na ginagamit ang pera ng ibang tao para mapag-aral ako!

In fairness, hindi lang ang boss ko ang may kilo-kilometrong nilalakad para makarating sa school. Naranasan ko rin yun ng maraming taon. Kaya nung ipamukha niya sa kin na walang sinabi ang pagiging estudyante ko sa kanya...

Nakakaawa ang mga taong kapag nagre-recollect sa napagdaanang hirap ay nakakaramdam pa rin ng bitterness...na para bang hindi natapos ang hirap na iyon.

At least ako, kapag inaalala ko ang school days ko mula elementary hanggang university... nagpapasalamat ako kay God na andaming kaibigan ang tumulong sa 'kin. At kahit may mga problemang nangyari....hindi na ako magbabaon ng regret. Kaya, kapag tinanong ulit ako ng mga kagawad, ng mga kapitan, ng mga chieftains....sasabihin ko sa kanilang bukod sa natuto ako, naging masayang estudyante ako!

Wednesday, July 2, 2008

Gakuen Season 2: Let's make this possible!



For those who really loved Higuchi Tachibana's Gakuen Alice season 1, let's make the season 2 possible....ASAP!

Well, the Manga is out. Chapters are available on line in mangafox.com (just bear with some english translations, hehe). But no dates are set for Gakuen Alice season 2 and I'm not quite sure if the are at least plans of airing the Second Season of the manga as an anime.

Of course we, Gakuen ALice fanatics, can't wait and won't have to wait for so long. We have to show the makers of Gakuen Alice that we love the anime so much and therefore, we are requesting all the higher beings behind the anime to please...please work on the Season 2. We badly want it!

Please do click the link below and afix your name on the online petition. Let's be part of making this great anime definitely a hit!

http://www.gopetition.com/petitions/gakuen-alice-season-2.html

* We will not be missing Natsume anymore!!

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)