Tuesday, November 25, 2008

Twenty 3

Christmas party, pictures, Rubik cube, mosaic, telephones, newspaper, anonymous faces, question, hint...yan ang mga laman ng panaginip ko kagabi...roughly 48 hours bago ang ika-dalawampu't tatlo kong kaarawan.

Siguro lunch time dun sa panaginip ko at nagbabasa na ako ng dyaryo. Hindi yun Inquirer...gaya nang nakasanayan pero hindi rin yun Philippine Star. Masyadong malaki at makapal din ang newspaper na yun para sa isang tabloid. Ang headline: "Sino ba sya?"

Alam kong kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyon. Bakit naman ganun yung headline. Parang blind item lang. Pero in fairness, na-intriga ako. In smaller font, may nakasulat na ganito sa ibaba ng headline: "Hint: Nakaupo katabi ng telepono."

In less than a second, nag-flash ang image ng isang higanteng rubik cube sa harapan ko. Pero sa halip na colors ang nakita ko sa faces ng cube, mga pictures yun ng isang Christmas Party. Yung rubik cube, mistulang naging mosaic ng mga pictures na. Ang cute! Animated pa yung nakita kong image. Paikot-ikot sa harap ko para makita ko lahat nung sides. Matiim kong tiningnan yung mga larawan para malaman ang sagot dun sa headline/tanong/blind item.

Isa, dalawa...Ilang beses nang umikot yung rubik cube, pero puro anonymous faces lang ang nakita ko. Kunot-noo na talaga ako to the max dahil atat na rin akong sagutin yung headline/tanong/blind item. Parang excited din ako.

Finally, nung nasa punto na ako ng init-ulo, may nakita akong, at least...pamilyar...at yun ay piktyur ko na kumakain ng macaroni salad sa tabi ng isang grey na telepono.

"Ako?! Bakit ako andyan," sabi ko sa panaginip ko. Biglang windang mode. Pero windang in a positive sense. Kaya naisip kong...hindi naman siguro ito paraan ng mga assassin para malaman kung sino na yung susunod na titirahin...masaya naman yung feeling ko nung makita ang piktyur ko, eh.

Umikot ulit yung rubik cube at nag-zoom in ang isa pang picture. Syempre, anonymous face ulit...ng isang babae na nakaupo rin katabi ng isang black na telepono. Minus ang windang mode. Dalawa pala kami. Parang nalungkot ako. Para akong contestant sa beauty pageant na gustong manalo ng crown...pero parang first runner up lang talaga yung kaya. Ganun yung pakiramdam.

**********************************************************************************
(1) buzzing flowerpecker (2) mahogany (3) SF building flagpole (4) green (5) falcata (6) ice cream (7) nobita (8) realistic (9) pajama (10) bus rides (11) bike (12) champorado (13) candleburn (14) kryptonite (15) field trips (16) beaches (17) high-cuts (18) forgetful (19) land before time (20) coffee trees (21) wax flower (22) East of the Mountains (23) E.O. Wilson

Photosource: flicker.com

Thursday, November 20, 2008

two rivers


Mag-aalasingko na nang hapon nang una kong makilala sina Kaliwa at Kanan river. Nang mga panahong iyon, iniipon na ni haring araw lahat nang sinag niya para ikubli sa likod ng mga bundok na tahimik lang na nakamasid. Ginugol ko ang kaunti sa natitira kong lakas sa pagngiti. Simpleng ngiti lang. Para naman hindi ako mukhang pinagsakluban ng langit dahil sa pagod.


Nakakatuwang pagmasdan ang lutang na lutang na pagkakaiba ng dalawang nagsangang ilog. Si Kaliwa ay tahimik, malinaw, kulay berde at inaaninag ang gubat na nakapaligid. Si Kanan ay puno ng galit, may malakas na agos at may kulay-lupang tubig.


Matapos silang kinuhaan ng piktyur, humakbang na ulit ang mga paa ko para ipagpatuloy pa ang paglalakad. Nagsimula nang umambon nun kaya't nagising na naman ang mga gloomy thoughts ko...nakisama sa panahon.


Pakiramdam ko nun, nasa dulo na ako ng mundo. Tinatanong ko na ang sarili ko, kung bakit ba ako andun sa lugar na yun. Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko...pinag-aalala ang mga magulang ko...gayung pwede naman akong gumaya sa buhay nang nakararaming working twenty something? Ba't di na lang ako jumoin sa mga nasa corporate world...kumita nang malaki...mag-masters... Pagkatapos nang lahat nang ilog, lahat nang dagat, lahat nang bundok...magiging masaya ba ako pagka-lubog ng araw sa buhay ko?


Totoo bang kahit gaano sikaping panatilihing maging puro, at puno ng ideyalismo ang mga pangarap ko sa buhay...darating pa rin ang araw na kelangan kong makisali sa kalakaran na nakasanayan na ng mundong ito?


Nilingon ko si Kaliwa river. Nakita kong nilamon na sya ni Kanan. At sa huli...isang galit, kulay-lupang ilog na lang ang natira.

Monday, November 17, 2008

Up, up and away!


Lahat nang hula nagawa na. Lahat nang blind item naisulat na. Lahat nang aparisyon, premonisyon nangyari na. Pero bakit ngayon pa nag-awol ang peborit na super hero ng bayan: Asan ka na ba superman?

Inaabangan ko pa naman ang bago mong show at may bagong labstory ka na ngayon. Aba, in all fairness sa iyo, two years in the making daw itong bagong kabanata sa buhay mo. Naks. Improving ka na. Siguro naman, mabubuhay ka na ng maayos. Hindi ka na maliligaw nang landas. Hindi ka na gagawa ng kababalaghan na ikakasakit ng ulo ng mga magulang mo. Igagawa ko kayo ng promotion poster, libre. At least, ngayon, sigurado akong nasa straight ka nang daan. hehe.

Pero gaya nga ng tanong ko kaina, asan ka na ba superman? Hindi mo pa ba alam, na milyun-milyong taon ka nang hinihintay ng kalabteam mo? Kilig na kilig pa naman yun sa yo. Hmpf. Hanggang ngayon, pagong-speed ka pa rin. Baka mainip yun. Eh di patay ka na naman.

Within range ka pa rin ba? Mukhang hindi eh. Sa Cebu kaya? Posible. Dumerecho ka na kasing Metro Manila. Ay teka...sa'n nga ba nakatira yung kalabteam mo? Nagtatrabaho yun ngayon, sigurado. Hula ko lang to, hula ko lang. Talagang may balak ka nang sundan yun ano? Kelan...sa napipintong review mo? Masyado kitang kilala kaya wag ka nang mahiya.

Lahat nang goodluck sinabi ko na. Lahat nang ingat ka na-email ko na. Kaya paalam na superman. Tapos na ang kontrata ng show na ito sa iyo. Saan mo man balak pumunta, hindi kita susundan at hahabul-habulin. Ila-launch ko na rin ang bagong programa sa show na ito sa susunod na mga araw. Tumaas din naman ang ratings ng show na ito, kahit papano, dahil sa mga posts tungkol sa 'yo. :D Pero gaya nga ng sabi ng iba...all things come to an end. Kelangan mo na talagang umalis for the (bitter) better cause.

Let's live life to the fullest!

Wednesday, November 12, 2008

Towards dusk


I came across Stephanie Meyer's Twilight thru email exchanges with two of my superfriends. Apparentlly, both of them knew that the book existed (one had actually read it while the other was planning to buy the book) while I, still preoccupied of my sea to mountain escapades, simply didn't have the slightest idea of what they were giggling about.

I was beggining to feel a little left out when they mentioned that Twilight was now a motion picture too. With my unfixed schedule and other matters, I knew I was temporarily cut off from the movies. To my relief, they mentioned that the movie premieres on the third week of November. I was really rather curious than excited about it.

One of them sent me ebooks of the twilight series. They assured me that those were reliable copies and not just bogus copies one could likely get from the internet. She was somehow hoping that I too would feel that kilig while reading.

Though I couldn't imagine how that would be possible, given that i was cold and indifferent most of the time, I decided to give the book a chance. On the evening before my flight to back to Davao, I started reading the first few chapters.

Twilight was an easy read. Not too long to sap my patience. I really had a hard time dealing with super lengthy novels...I got short attention span and I shun long descriptive sections. I didn't read Harry Potter and I wasn't even close regretting it. Twilight was something you could finish in a night.

Well, I did not finish it overnight; I was too anxious about going home. I just finished Twilight yesterday. Haha. It took me what...two weeks! I had a feeling that I was already losing the bookworm in me. Still, my superfriends got their wish. The book did shot some dose of kilig across my spine. But I will also give credit to my feel good hormones for giving me high spirits after getting a short leave, resting, hanging out with my family and all.

There were a few problems though. I just couldn't imagine myself going crazy about vampires and vampire characters. Not a chance. I mean, how would I possibly like the thought of blood sucking uhm...monsters/humans...beings under my or someone else's neck? And I just don't buy the idea that someone neither alive nor dead, never "eating," sleeping or breathing could look gorgeous. Without a pumping heart, what would these vampires do to the blood they were sucking? Of course they won't digest it. They don't have functional body systems. How could a physical body endure the hundreds of years without a single cell alive?

Vampires never appeared so "false" to me except in this novel. Of course, Twilight is fiction; in this realm, who can say what's impossible? I wonder if there would be some sort of "scientific" vampire explanation from other fiction books.

Still...I'm watching the movie. Haha. I wasn't actually taking this really seriously. I just need some entertainment to fill up my days.

Tuesday, November 11, 2008

Not just a date



"You should go out on a date."

Naku. Hindi yan advice ng nanay ko. Command nya iyan as in with the witch-look pa yan nang sinabi nya. Natatawa ako sa nanay ko. Sa araw-araw na lang na umuuwi ako sa bahay namin, parang may senate investigation kung meron na ba akong boyfriend. Aba, hindi naman ako ganun katanda para problemahin nila ang lablayp ko, ah. Twenty-two pa lang ako. Imposible bang maging single?

Kasi nga power ranger ako. Hindi ako pa-girl. Sabi pa nga ng ibang mga pinsan ko, baka daw lumiliko na ako ng landas. Kung dati ay ultra-defensive ako, ngayon hindi na. I know better. Talagang wala. Static lang ang lablayp ko. Dati, masaya yung tatay ko at ang anak niya ay hindi mahilig mag nayt layp at lumabas. Wala syang problema, in short. Pero recently, tinutukso nya ako dun sa kababata ko na muli kong nakita last year. Medyo narealize na ata ng tatay ko na ayun...wala nga akong lablayp(s). Kaya tinutulungan nya ako ng konti. haha.

Yung mga pinsan ko...nagsisipagpakasal at nagsisipanganak na. Hindi ko sila lahat ma-imagine. Hirap na hirap nga akong alagaan ang sarili ko eh...mag-alaga pa kaya ng iba pa? Oh no. Kaya sa tuwing napag-uusapan ng mga kamag-anakan ko ang aking soon to be marriage...that is kung liligawan ko na ang aking groom at sasagutin nya naman ako...nananayo ang balahibo ko.

Paminsan-minsan, humihirit din ako ng "Bakit nagpapakasal ang mga tao? Wala na sa context ang Go to the world and multiply, sa panahon ngayon. Hindi naman madadala ang kasal sa langit ah!"

Hindi ko ma-gets kung sisimangot ang nanay ko o tatawa sa twing maririnig nya ang katwiran ko. hehe. Pero dahil masunurin akong anak...maybe I should really go out on a date...sinu-sino nga ba ang pwede kong yayain? hmm.

1) si superman. hindi pwede. Bukod sa monster ang tingin namin sa isa't isa...hindi ko kayang tumabi sa coƱong katulad nya. At isa pa, rejected pa rin ang friendship efforts ko. In short, nasa coldwar pa rin kami ngayon.

2) yung kababata ko. naman, mukhang mas pa-girl pa yun sa akin eh. Sa lahat nang ayaw ko, eh yung pinagmumukha akong lalaki. hehehe.

3) superfriends. Ang superfriends ko ay nasa iloilo, cebu, GenSan, Zamboanga. Yung ibang friends sa Davao, busy sa work, thesis and others. Kaya...not a chance na mayaya ko ang mga yun nang hindi dumadaan sa intensive scheduling.

4) lolas at pamangkin. hehe. Syempre hindi ako tatanggihan ng mga ito. hehe. Masayang kasama ang mga makukulit na bata at matampuhing matatanda. sabi nga nila, spend sometime with people over 70 and under six.

Kaya, kelangan ko na lang hintayin ang sweldo para magliwaliw kasama ng aking mga date. sasaya na ang nanay ko...pati pa mga lola at pamangkin ko. :p

Monday, November 3, 2008

Muling Ibalik


Hiniling ko na sa lahat nang tala na sana holiday ang Monday November 3. Sa kasamaang palad, hindi ako malakas sa mga bituin kaya’t dinedma na nga nang langit ang napaka dakila kong kahilingan.

At syempre, pag araw ng Lunes, napakasarap ma-late sa opisina. Napakasarap makitang may kumunot ang noo dahil sa buhok kong walang kasing buhol. Andito na ako ulit. Sa opisina. Sa love-hate relationship ko sa aircon, photocopier at printer. Isang araw akong makukulong ulit sa pisikal na kahon…at ang tanging alam ko lang sa pangyayari sa labas ay derived sa mga ingay na mula sa mga sasakyan.

Hindi ko alam kung matutuwa ako at may world wide web…ang artipisyal na durungan ng mga bagot para “makita” ang mundo…”makilala” ang ibang tao…”mapakita” ang sarili sa mundo.

Magulo pa rin ang office space ko. Tinambakan na ng mga kung anu-anong naka-ring bind ng ibang tao. Kaya ang first task ko…i-clear ang aking space…at dapat walang unidentified objects sa pc desk. Sira ang power ranger mode ko.

Contrary sa tono ng post na ito, hindi naman mainit ang ulo ko. Talagang inaatake lang ako ng katamaran, ganun. At anything na hindi nangangailangan ng katamaran ay nagpapadala ng hindi kaaya-ayang chemical signal sa utak ko….nakakatamad maglinis nang hindi ko kalat!

May mga wala, nawala na, wala pa at mawawala pa sa ofis. Nabawasan tuloy ang mga ka-lunch at ka-chika ko. Ayun. Nakakalungkot lang at bawas na naman at mababawasan pa ang mga Twenty something sa opis.
haaay. Welcum back, BF sabi nung PC.

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)