Nung makita ko ang bahay na ito...hindi ko naisip yung multo. Sa halip naisip ko yung past eighty years ago...nung mga panahong kabataan pa lang ng mga lola ko. Pinipilit kong iimagine kung sinu-sinong mga tumira dito. Sinu-sino ang mga lumaki sa tahanang ito. Gaano sila kasaya. O kung gaano sila kalungkot. May secret door din kaya ang tahang ito, gaya ng bahay ng dati naming kapitbahay na si apong Luis?
Parang gusto kong biglang mag-yellow ang paligid habang tinitingnan ko yung bahay at sana sa bawat hakbang ko, pabalik na yung panahon. Ginusto kong umilaw yung mga ilawan na wala naman sa loob nung bahay. Ninais kong dumungaw yung mga taong matagal nang hindi nakatira doon. Pinilit ng isip kong maging bahagi ng kanilang panahon. Pero sa bandang huli, kinapos ang imahinasyon ko. Napansin kong madilim na ang paligid at pagod ako na pala ako sa buong araw na lakaran.
Minsan, parang ayaw kong maging bahagi ng kasalukuyang panahon. Kung pwede lang lumipat ng yugto sa istorya ng mundo na parang lumipat lang ng bahay...baka matagal ko nang ginawa.
Five minus Four
10 months ago


3 buzzing nila:
naks
photos oh
chumcehver si ate!
hakhak! nice shot...
di ko alam kung magagandahan ago o matatakot. kasi baka kuta ng MI yan? hindi ba? hihi
all the same, brilliant pic.
Teleport ba gusto mo? hehe..
Nice shot, mejo creepy nga lang ang kuha, pero mukha talagang peaceful ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan. Gusto ko ring mapunta sa ganitong lugar pero ayokong magtagal para mamimiss ko..
Parang sa barrio ng lola ko, pag magulo ang utak ko at pagod namimiss ko ang bukid at sariwang hangin.
Post a Comment