
Sa pagod ko ngayong buwan na ito, ngayon lang ulit nabuhay ang dugo ko...na parang may kakaibang rush na naman. Kahit busy sa buong araw, napawi lahat nang himutok ko sa buhay nang malaman kong....YES! PUPUNTA AKO NG PAGBILAO, QUEZON! Woohooo! Isang lugar na naman sa mapa ng Pilipinas ang mamarkahan ko.
Ang totoo, una kaming nagkakilala ni Pagbilao nung ginagawa ko ang powerpoint presentation ng magaling kong kapatid na HRM. Pinag-research ba naman ako ng tourist destinations...at yun nga...isa sa mga nai-cut and paste ko ay ang beach resorts sa Pagbilao, Quezon.
At gaya ng mga unang pakiramdam, tungkol sa mga bagay na parang imposible mong makuha, inisnob ko ang beauty ni Pagbilao at never ko syang pinagpantasyahan. Parang nawala na nga sya sa isip ko... Pero dahil nga destined na kaming magkita, aba, gumawa si fate ng kakaibang paraan....
Oo na. Ano ngayon kung trabaho ang ipinunta ko sa Pagbilao? Basta ba pwede akong mag-side trip why not? At dahil minsan lang ako makalabas ng lungga...syempre hindi ko alam paano pumunta dun (kaya nga mas exciting). Pero salamat sa google at laging may solusyon ang ating mga problema.=)
Isa na namang umaatikabong hanapan ng mga kalye at mga lugar. Sana, tuluyan nang mag-improve ang aking sense of direction. Kelangan ko ang training na to. Ako kasi yung tipong nakaplano ang lahat...pero ngayon handang-handa na ako sa mga hindi nakaplanong biyahe at hindi siguradong mga destinasyon. At handa ko itong gawing...MAG-ISA!=)
Kaya, see you Pagbilao! You really made my day!
*Sana may magandang beach na 30 minutes away lang...hehe..at hindi expensive.
Ten minutes to fade
2 weeks ago


0 buzzing nila:
Post a Comment