Gaano karaming sekreto ang pwede mong malaman sa isang araw? At gaano karaming katotohanan ang hindi mo kayang tanggapin?
Haaaay. sanga-sangang lablayp. Maya-maya ay iisipin ko kung papano nagagawa ng ibang tao ang saktan ang mga sarili nila at ang mga taong...sabi nila'y mahal nila. Hindi ako maka-get over sa dami nang mga naudlot na love stories sa aming small circle...at kung papano...ako na si great spectator ay na-shock, nainis, at naiyak para sa mga taong itinuri kong kaibigan.
***
nakakapagod ngunit nakakatuwa naman ang isang araw sa paligid ng mga elementary students...sa kabila ng mga nangagkahalong amoy...sa kabila ng natulong mga pawis...iba pa rin yung feeling ng kabataan...yung tipong cute ka pa rin kahit saksakan ka ng pasaway.
***
Siguro nga'y nagbago na ako. Medyo naging palakaibigan, naging sociable, at pala-kwento na rin. Pero sa kabila nito'y mas gugustuhin ko pa ring manahimik na lang sa gilid. Walang obligasyong kausapin ang mga tao. Walang kinakailangang ngitian. Gusto ko lang tumambay sa isang tabi...manood ng ulap...walang kelangan sabihin...walang kelangan sabihin...manonood lang ako ng ulap...ng ulap...ng langit...ng dagat kung merong dagat...ng gubat kung may gubat...ng bulaklak kung may bulaklak.
***
kelangan kong umayos.
Ten minutes to fade
2 weeks ago


0 buzzing nila:
Post a Comment