Alcohol Guide:
Tanduay: para sa panaginip na action-packed (basagan ng mukha at away hanggang umaga)
Beer: para sa sweet dreams at labstory
Tuba: para sa horror at mala-okatokat na mga bungang-tulog (aswang at manananggal)
Pero kahit anong alcohol pa yan...never akong naging solbs sa anti-stress kuno na property nito. Hmpf!
Pagud na pagod ako at tuyo na ang utak. Bukas, linggong maliwanag...pero may kelangan pa rin akong tapusin. Hmpf!
Di maka-text sa pamilya...di maka-text sa friends....walang ibang laman ang inbox kundi mga to DOs ang to DOs...wala man lang ni isang inspiring na quote....di makauwi...di makapaglaba....walang mapanaginipan liban sa trabaho...
Pagkatapos ng lahat nang bundok at ilog...anong buhay kaya ang ikukuwento ko sa ibang tao?
Gusto ko naman ang ginagawa ko...pero hindi ang paraan kung paano ko ito ginagawa. May oras ang lahat nang bagay...kaya sa susunod...para hindi makuha ang oras para sa kasiyahan at para sa ibang pangangailangan...at para sa pahinga....matutong magplano ng maayos...at magtrabaho ayun sa time frame...hmpf! Still, dapat maging handa para sa mga unexpected.
See you soon Sierra Madre! Magcecelebrate ako ng sariling kadayawan festival!
There Are Rules
6 days ago


0 buzzing nila:
Post a Comment