Monday, October 5, 2009

Header Erase

Sa dagat ang tuloy ng tulay na ito. Huwag tumalon, nakakamatay.


Mulat ang mata. Hindi. Dilat ang mata. Wala rin namang muta pero kahit na. May ilang linggo nang hindi makatulog mula nang ibasura ng mga bosing ang pinakamagandang kanta sa balat ng lupa. Tama. Hindi nila tinanggap ang kanta kong pinamagatang "Tindahan ni Aling Gloria" kahit pa alam nating ito ang pinaka-original na kanta sa buong mundo. Mantakin mo, true to layp pa naman ang pagkagawa ko dun sa kanta...pero di pa rin umubra. Tama nga ako. Walang hustisya sa mundo para sa mga katulad kong artist. Parang gusto kong tawagin mula sa hukay si Van Gogh at makipag-apir sa kanya nang wanhundred tayms.

Natatandaan ko ang araw na yun. The sun was shining so bright at parang kahit maging aircon na ang buong mundo...mainit pa rin. Parang gusto kong maglupasay sa kalye at magpasagasa ng truck. Baon na baon na ako sa utang na pera at utang na loob...at dahil na-reject na naman ang obra ko...hindi ko na alam kung paano bayaran ang lahat ng problema ko sa buhay. Nang aktong sasagasaan na ako ng pison, dumating si spiderman...ang best friend ng lahat.

Nagtanong sya kung ano ang drama ko sa buhay. At nagkwento naman ako kahit alam ko namang wala sa kanya ang kasagutan. Nasa tuktok na kami ng isang punong niyog at medyo mahangin. Hindi ko alam kung paano nakapag-produce ng gitara si Spiderman basta bigla na lang nangyari yun. Muntik na akong mahulog nang sya'y kumanta. Dahil kinanta nya'y "Tindahan ni Aling Nena."

Tinanong nya kung bakit ganun na lang ako kung matulala. Hindi nga naman ganun kasi kaganda ang boses niya. Tinanong ko sya kung sinong magagaling ang sumulat ng kantang inawit nya. Sabi niya...eraserheads. Naisip ko sino na naman ang boyband na iyan?! Lahat na lang inaagaw ng mga boyband...sila ang laman ng TV. Sila ang laman ng radyo. Sila ang nasa magazine. Si Spiderman na naman ang natulala. Bigla na lang syang naglabas ng sapot at iniwan ako sa tuktok ng niyog.

kaya simula nun...ayoko nang marinig ang eraserheads kahit kelan sa buhay ko. Pakiramdam ko...ipinagpalit na ako ng lahat sa eraserheads. Bukas, magtatatag ako ng girlband...Header Erase ang pangalan. hmpf!

0 buzzing nila:

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)