Nakita mo na ba ang padala kong taym machine?
Humayo ka na at balikan mga nakaraan.
Itama, ang lahat nang sabi mo'y mali.
Kung sakali mang magtagumpay ka,
balitaan mo naman ako.
Sumulat ka,
Dahil hindi mo na ako aabutan dun.
Bakit hindi na lang kasi ngayon?
o kaya'y kahit bukas.
Isang sakay lang ng jeep ang pagitan.
Hindi pa magawan ng paraan.
Nakita mo na ba ang padala kong taym machine?
Balikan mo na sya.
Matagal na akong umalis sa panahong yan.
Wala na siguro akong mararamdaman.
Bakit hindi na lang kasi ngayon?
o kaya'y kahit bukas.
Isang salita lang marahil ang pagitan.
Hindi pa magawan ng paraan.
There Are Rules
6 days ago


0 buzzing nila:
Post a Comment