Thursday, January 29, 2009

October in January

Later, I found out that when October afternoon rains stop, the cold would always linger behind for a long time. And when I curl in bed like a caterpillar devoid of its protective cocoon, nothing would ever remind me that hours earlier, the sun was warm and bright. But on one particular afternoon, with the perfect tandem of dusty winds, falling mahogany leaves, and pre-sunset sunlight nothing prepared me for a kind of October rain that when over, the cold lasted forever.


Now forever was more of a state of mind than a value of time for certainly, we were not to live in this earth forever. And even if we live forever in heaven, unhappy memories, I suppose, would be taken away by God's own hand. But the undeniable was that, forever was long enough to rip off you precious earth times. It was because of this realization that I made little adjustments so as I would not succumb to the seemingly eternal cold. I made serious efforts to combat the return of unwanted memories and by this time I know that parts of them finally faded out so that, at this time, the story of the afternoon walk under mahogany trees appear like a mosaic in my mind. And as fragment by fragment of that mosaic deteriorates, I know, days would be added to my life.


There was a time I would remember elleor's name with so much resentment not so much because of him but because of the things I couldn't do for him. When he appeared in my dream heavily crying with a gun in his head, I should've summoned all heavens to take care of him. Because of my inborn indifference, I didn't. I was indifferent until the day I learned that, one evening, he did try to take his life.


My own life staggered until it seemed that I was edging a very high cliff and that falling down was both a relief and a tragedy. If it weren't for a promise I made to my God, that I would be of help to the family i deeply loved, I would've wasted my entire life for, what i would regard now, as unfounded guilt. Today, I realized I do not have a hand in everything; whatever reason and purpose elleor might have to leave earth in a desperate way, I have nothing to do with it. And I don't have reason enough to ask about it.


I survived death just as he had. And although the cold still lingered, it was not the same sad, chilly cold as it was before.


Saturday, January 24, 2009

Yugto


Nung makita ko ang bahay na ito...hindi ko naisip yung multo. Sa halip naisip ko yung past eighty years ago...nung mga panahong kabataan pa lang ng mga lola ko. Pinipilit kong iimagine kung sinu-sinong mga tumira dito. Sinu-sino ang mga lumaki sa tahanang ito. Gaano sila kasaya. O kung gaano sila kalungkot. May secret door din kaya ang tahang ito, gaya ng bahay ng dati naming kapitbahay na si apong Luis?

Parang gusto kong biglang mag-yellow ang paligid habang tinitingnan ko yung bahay at sana sa bawat hakbang ko, pabalik na yung panahon. Ginusto kong umilaw yung mga ilawan na wala naman sa loob nung bahay. Ninais kong dumungaw yung mga taong matagal nang hindi nakatira doon. Pinilit ng isip kong maging bahagi ng kanilang panahon. Pero sa bandang huli, kinapos ang imahinasyon ko. Napansin kong madilim na ang paligid at pagod ako na pala ako sa buong araw na lakaran.

Minsan, parang ayaw kong maging bahagi ng kasalukuyang panahon. Kung pwede lang lumipat ng yugto sa istorya ng mundo na parang lumipat lang ng bahay...baka matagal ko nang ginawa.

Saturday, January 10, 2009

Cinchona: back to the 1930s

Photosource: Flicker.com

Matapos ang mala-dekadang christmas break at new year, inumpisahan ko na naman ang taong 2009 sa isa pang bakasyon. Oo, bakasyon...as in walang kasawaang bakasyon. Ang totoo...pumasok naman ako sa trabaho...kaso yung trabahong pinasok ko ay parang bakasyon din minsan.

Minabuti ng aming coordinator na patikimin naman ako ng kakaibang adbentyur sa buhay. Pers taym as in pers taym ever akong naatasan na sumabak sa isang in-the-wild Philippine Eagle observation.

Nag-umpisa ang aking paglalakbay nung january 6 sa paggro-grocery. At dahil hindi ako sanay mag-grocery...sandamukal ang nakalimutan kung bilhin kabilang na ang pinakaimportanteng toilet paper at napakamakapangyarihang off lotion. Kaya, pinapak lang naman kami ng mga patay-gutom na lamok-gubat at nag-"toilet paper" ng moss...biro lang. Me-tubig at sabon naman eh.

Bumyahe ako nang halos kalahating araw para makarating sa Mt. Kitanglad Range-PAMB Compound sa Cinchona Forest Reserve, Barangay Kaatoan, Lantapan, Bukidnon. Ang Mt. Kitanglad po ay isang protected area kaya't gubat to the max ang lugar na ito...

Takip-silim na nang dumating kami sa Cinchona...at bukod sa lamig at malalaking puno...old japanese campsites ang aabutin mo sa lugar na ginawa pa noong 1930s...para tuloy akong nasa horror movie (see photos next time....sa ngayon humiram muna ako sa flicker.com ng isang larawan). AT dahil tinira ng mga magnanakaw ang 100 meters na kawad ng kuryente...brown out kami palagi. Walang charging ng cellphone...(oo, may signal!!) at candle light lang sa gabi. Sa kasalukuyan...binabayaran pa ng mga caretakers/guard/bantay gubat ang halaga para sa ninakaw na kawad ng kuryente.

Contrary sa hitsura ng lugar, wala namang kakatakutang nangyari. Pero syempre...me baon pa rin akong ghost stories na saka ko na lang ikukuwento. Naging excting ang turn of events ng aking adbentyur dahil nagkaroon ako ng magandang balita para sa aking mga kasamahan. Secret na muna kung ano yun. Saka ko na lang isusulat pag-natapos na ang aming FR News para sa aming bi-annual na newsletter. hehe.

Trivia lang...ang Cinchona ay herbal tree na ginagamit noon panggamot ng malaria atbp. Basta, maraming gamit ang punong ito. Nagkaroon dati ng malawakang pagtatanim ng punong ito dahil sa lakas ng demand para dito. Binibili ang bark ng punong ito sa halagang 5 cents a kilo noong 1940s.

Para sa gustong magfeeling nagta-time travel, maari kayong pumunta sa Mt. Kitanglad Range Natural Park-PAMB Compound. Mga 5-6 hours away from Davao City ang travel kung may sariling sasakyan...at malamang halos isang araw kung magpa-public transport. Humingi lamang ng permit mula sa DENR Bukidnon para makadalaw sa lugar. Nakalimutan ko ang contact number. Pero kung interesado kayo, gamitin ang napaka-high tech na chatbox sa blog na ito.

Para sa mga interesado sa pictures...ida-download ko pa balang araw.:D Nga pala, 50 pesos ang bayad sa over night stay (magdala ng sariling sleeping bag, pagkain at other necessities)
...20 lang kung walk in. 45 to 1 hr ang hike papuntang eagle nest...actually...lugar na malapit sa nest. Pwedeng makita ng mga tao (magdala ng sariling binoculars) pero bawal ang malalaki ang bunganga dahil sure lang...hindi nyo ma-eenjoy ang eagle watching. 300 pesos ang bayad ng guide kung gusto nyo pang makabalik nang buhay mula sa gubat...hehe...pero free kung ikaw ay biologist at gustong mag-volunteer sa amin. Gamitin din ang chatbox para sa mga interesado.:D

Hindi ito advertisement. Hindi ako taga-DENR at lalong hindi nila ako binayaran. Gusto ko lang i-share yung beauty ng lugar. The best ang lugar na ito para sa mga naghahanap ng adventure pero ayaw naman pahirapan (relatively) ang sarili nila. Patok ang bird watching at senti-sentihan sa lugar na ito.

Hanggang sa muli!

Extra Trip

Extra Trip
just plain rafting...but definitely enjoying the Tinuy-an Falls in Burbo-anan, Bislig City, Surigao del Sur, Philippines.

Mirror

Mirror
The Pacific Ocean (Manay, Davao Oriental View) assumes its dullest color one humid day

Waiting for our rocket to come!

Waiting for our rocket to come!
@ Tomoaong bridge

Peeping Sun

Peeping Sun
Sunrise at San Ignacio, Manay, Davao Oriental (Photo by: Jo Cruz)