Pinilit kong igawa ng kanta ang sarili. Naisip ko na yata lahat nang posibleng tema, istorya, at takbo para dun pero parang nawalan ng kuryente ang electric guitar ko sa utak kaya't di ako makalikha ng tono. At kapag ganitong parang kinukulang na sa asukal ang brain cells ko, kelangan ko nang magpa-rescue sa kapangyarihan ng Coke...as in coca-cola...open happiness.
Saan pa nga ba ako makakabili ng inuming sagana sa mga bonggang-bonggang essential nutrients and minerals kundi sa nag-iisang tindahan sa neighborhood...ang tindahan ni aling Gloria. Lahat nang bibilhin mo dito ay may free...free chismis. Kaya gustung-gusto kong nabili sa tindahan niya kahit kelangang kumatok sa loob ng isang milenyo dahil nanonood pa siya ng wowowee kung tanghali at tayong dalawa kung gabi. Alam kong hindi ko na mababago ang katauhan niya. Kaya ako na lang nag-isip ng solusyon para naman hindi ko sya maabala at nakakahiya nga naman sa isang napaka-busyng tao tulad niya.
Swerte at alas tres na nang hapon. Malamang tapos na ang wowowee kaya medyo limang dekada na lang ang gugugulin ko sa kakakatok. Isang dekadang tao po. Walang nasagot. Dalawang dekadang tao po at one level-up ang volume. Wala pa ring nasagot. Tatlong dekadang tao po, dalawang level-up sa volume at sanlibong pokpok ng bato sa kahoy na tindahan. Lumabas si Aling Gloria na matulis ang nguso. Naalala ko na. Paborito rin pala niya ang Kambal sa Uma, Maria de Hesus, TV Patrol Southern Mindanao at UAAP. In fairness kay Aling Gloria, hindi naman sya masyadong jologs.
"Sanlitrong Coke po," sabi ko sabay abot kay aling Gloria ng bote at bayad. Tumalikod ang ale at maya-maya'y bumalik na dala ang aking peborit.
"Ay di ba ikaw yung kaklase ni Mikey," paninigurado ni aling Gloria. Alam kong bibigyan na naman nya ako ng fresh na fresh na chismis.
Tumango ako at ngumiti saka ko idinagdag na X ko ang bakulaw na binanggit niya. Parang nagulat naman dun sa Aling Gloria. Parang hindi niya mawari kung bakit may nakalusot sa radar niya. Pero humirit pa rin sya at parang mas lalong na-excite sa pagbabalita.
"Aba'y nakabuntis daw pala ang batang yun..." pa-thrilling na kwento ng ale. "Kawawa naman yung mommy nya. Pinag-aral pa yung anak sa mahal na skwelahan tapos eto lang ang nangyari. Mabait, matalino at mayaman nga naman sila. Sino ba namang hindi magpapabuntis dun sa hirap ng buhay ngayon...pero kawawa naman yung mga magulang...maraming pangarap para sa kanya."
Kung titingnan mo ang mukha ni Aling Gloria, iisipin mo nga naman talaga na awang-awa sya sa mga magulang ni Mikey. Parang maiiyak ka nga kapag nakita mong pasinghut-singhot pa sya na parang may running nose. Akala ko nga may namatay dahil labis ang pagdra-drama niya.
"Ako po ang nabuntis niya," mahinang bulong ko. Pero dahil nga well-adapted itong si aling Gloria sa pangangalap ng chismis, nagpanting ang tenga niya sa bulong ko at parang daig pa niya ang naghilamos ng maxipeel, nawala lahat nang dugo niya sa mukha. May hiya din naman si aling Gloria.
Hinablot ko ang sanlitrong coke mula sa mga kamay nya. Mahirap na baka maibagsak pa niya...no return no exchange pa naman sa tindahan nya. Parang di pa rin maalis ni Aling Gloria sa hangin ang dalawang kamay habang nakatingin sa akin.
"Joke lang yun Aling Gloria, kayo naman. Umiinit na kasi yung coke sa kakakwento nyo," sabi ko habang pinipigil ang tawa. Hindi ko na nilingon ulit ang ale. Baka may hawak na syang tsinelas at ibato niya sa akin...tamaan pa ako sa mukha. Sira pa ang beauty ko.
Mahirap nga naman kasi ang chismis...halong totoo at kasinungalingan. Pakiramdam ko parang nanalo ako sa lotto. Naisahan ko si Aling Gloria...ang pinakamakapangyarihang bunganga sa neighborhood. Ang totoo kasi niyan, hindi ko kilala yung mikey.
Binalikan ko ang notebook at lapis. Matapos lumagok ng dalawang basong Coke...open happiness...may naisip na akong kanta. Sa wakas, may isu-submit na ako sa mga boss. Susuweldo na ulit ako.
Saturday, September 26, 2009
Tindahan ni Aling Gloria
Wednesday, September 16, 2009
Hindi ko na mahintay ang Days off!!!!
Pagod at masakit ang ulo ko. Sino bang hindi sasakit ang ulo sa pakiramdam na parati akong busy pero wala naman akong natatapos? Parati akong kulang sa oras pero marami naman akong oras na hindi nagagamit? haist.
Kelangan ko na talagang mag-day off at kumain at matulog nang walang iniisip na trabaho. Pati sa panaginip ko ay hinahabol na ako ng mga monster reports sa skwela at sa trabaho. Napapanaginipan ko na ang matamis na singkong maliwanang sa unang semestre ko sa masters. Napapanaginipan ko na ang lahat nang galit at inis ko sa buhay. Masakit na ang balikat ko kahut uisang maliit lang na bag ang nakasabit dito. Masakit ang likod ko at madalas ay nagigising ako sa madaling araw at nahihirapan na uli matulog. OO. Pagod ako...at hindi ito emotional na pagod na parang nabasted ka lang ng sanlibong beses, o kaya nama'y na brokenhearted. Ito ay pisikal na kapaguran na kelangan na talagang ipahinga. Parang awa na nilang dapat maawa.
ANg totoo, masyado akong concerned sa lahat ng bagay. Indifferent ako sa mga tao pero sa sitwasyon hindi. Kaya kung kinakailangan ng isang sitwasyon na magtrabaho ako na parang magugunaw na ang mundo bukas...in fairness...masyado akong OA at nakakapagtrabaho nga naman ako. dinadaan ko na lang sa caffeine rush. Painum-inom lang ng coke at ng kung ano mang me-asukal.
Ngayong araw kinulang na nga ata ako sa asukal. Ang pait ng tingin ko sa mundo. I'm so tired na para bang habambuhay na akong hindi nakapagpahinga. In fairness naman sa akin, hindi ko kinakailangan ng isang dekadang pahinga. Hindi isang buwan. Hindi rin isang linggo. Kahit tatlong araw lang na hindi ko na mapapanaginipan ang lahat nang kelangan kong tapusin...ok na ako.
Sabi ko nga sa tatay ko isang araw : 'Tay, pagud na pagod ako. Kelan ka ba yayaman para di ko na kailangang kumayod.'
Hindi ako masipag, nagsisipag-sipagan, o nagpapaka-bayani. OA lang talaga ako at hindi natatahimik pagka may mga hindi natapos. Di bale nang wala akong masimulan...wag lang may hindi ako matapos. Mas masakit sa likod ko iyon.
Saturday, September 5, 2009
Tic-tac...
I only have this night to finish my concept paper in advanced microbial eco. Yet, I have more words for this blog than for that bugging requirement. Surely, I enjoyed the first few weeks of being a first year student again. But at this very moment with eyes aching for more hours of sleep, ears waiting for more time of shun-reminding music, and soul longing for comforts of home...I regret getting myself all these academic headache. I could have sipped milk and dream for the rest of the night instead of drinking 1.5 liters of coke and intentionally get caffeine overdose...and destroy my kidneys, of course.
The stars weren't enough to remind me that my life is more than broken schedules, back pains and could-have-beens. I need some push right now...just a little encouragement...and some help...a facebook shoutout from shun who'd probably keep me hooked on the net...and on this computer can do the magic. But I know, somewhere, he's asleep and dreaming of his sunshine.
So much for this. Ideas for the paper are rushing into my head now. Wish I'd be over this by midnight....I want to sleep!!!

