Parang kelan lang, adik na adik ako sa pagbo-blog. Pero gaya ng lahat nang sinimulan ko sa buhay, masaya lang sa umpisa. Kinalaunan, nakalimutan ko ring meron palang espasyo para sa akin sa blogosperyo. Isang espasyo, kung saan hinding-hindi ko kailangang makipagsiksikan at ipagpilitan ang sarili. Isang espasyong, ako ang may hawak at ako ang reyna. Isang espasyong bukas para makita ng lahat kung anong nangyayari sa aking isipan.Siguro nga, malungkot ako ngayon. Namumroblema. Stressed. Pero kelan ba hindi naging mahirap ang buhay? Hindi naman ako nasanay sa puro ginhawa .
Siguro nga, lahat kelangang paghirapan. Nagkataon lang siguro na may flu ako ngayon kaya wala ako sa mood magtrabaho. Parang gusto ko lang humiga at matulog dahil sa tuwing tititigan ko ang mga bagay, pakiramdam ko lumilindol.
At dahil rin siguro sa wala akong agahan. Siguro nga dapat mas gumising na ako nang maaga para ipagluto ang sarili ko. Tama, dahil sa flu at sa gutom, kaya ako walang ganang magtrabaho.
Kung tutuusin, napakasimple lang ng problema ko sa buhay. Kaya lang hindi ko pa nadidiskubre kung paano ibili ang sarili ng bioflu at kung paano gumising nang maaga para ipagluto ang sarili ko. Hanggat hindi ko nagagawa ang mga ito, malamang, wala akong magagawang mas matino sa buhay.
0 comments:
Post a Comment