Nasa TV na naman taong nakadilaw
Inakit ang lahat na sumampalataya
sa kulto ng anilang pagbabago.
Hindi tulad mo, hindi ko siya ibinoto.
Sino ako at sino ka nga ba?
Papaano naman tayo?
Pangarap mo'y natutupad
sa bisa ng apelido mong ilustrado.
Ako nama'y limitado
sa pagkakataong palimos ng 'yong mundo.
Tinatanong kita kung ano ako sa'yo.
Hindi ko naririnig, tae, pakisigaw mo!
Makakalimutan kaya kita
sa bisa ng sandaang galong
coke at luha?
Mukha akong tanga.
Naaalala kita.
0 comments:
Post a Comment